ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Nawawalang binatilyo, mahanap pa kaya ng kanyang ina?


 

FRONT ROW MARCH 18 2019
“MISSING”

Nakatira sa isang sementeryo sa Bulacan ang sepulturerong si Bayani at ang kanyang maybahay na si Susanna. Sila ang tagalinis at tagapangalaga ng sementeryo at ang mga nakahimlay dito. Malinis ang sementeryo, subalit sa pag-ikot dito, mapapansin ang iilang nitsong walang pangalan. Sa halip, ang nakasulat ay “MISSING”, at ang petsa kung kailan sila ipinasok dito. Hindi raw kasi kailangan ng death certificate upang malibing kaya dito na dinadala ang mga namamatay na walang pagkakakilanlan. Upang makatipid, minsan ay apat ang pinagkakasya sa isang nitso. Ayon sa mag-asawa, karamihan daw dito ay napupulot lang o namatay sa engkwentro o tokhang.

Samantala, limang buwan nang nawawala ang 17 taong gulang na si Reymond. Ayon sa isang witness na nakausap ng kanyang nanay na si Matilde*, kinuha raw ito at pinatay. Kahit pa may ganitong impormasyon, dahil walang nakikitang katawan, hindi mapigilan ni Nanay Matilde na umasa na baka buhay pa ang anak. Pero kung anuman ang sinapit ng binata, ang tanging hiling lang ng kaniyang ina ay mahanap siyang muli.

Ito ang kapalaran ng mga nawawalan ng mahal sa buhay, at ng mga natatagpuang walang pagkakakilanlan.

Tags: frontrow