ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tatlong magkakapatid na may clubfoot, tampok sa 'Front Row'


 
MGA PAANG DILAW 
June 3, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
 
 
 
 

Ang tatlong magkakapatid na sina Ivan, walong taong gulang, Ashley, anim na taong gulang at Princess, dalawang taong gulang… lahat may kondisyong tinatawag na clubfoot, isang uri ng bone deformity.  Pilay, baliko ang paa at sakang… Ilan lamang sa mga tuksong kadalasang naririnig ng magkakapatid.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon, hindi nagpapatinag ang pamilya. Para makapasok sa eskuwela, pinapasan ni Ilyn ang mga anak. Mahalaga kasi para sa kanya na mapag-aral sina Ivan a Ashley lalo pa’t parehong honor students ang dalawa.

Nabigyan ng pag-asa ang magkakapatid nang lumapit sila sa Philippine Band of Mercy, isang grupong nagbibigay ng libreng gamutan at operasyon sa mga may clubfoot. Linggo-linggo sila ngayong sumasailalim sa therapy at casting.

Sundan ang kuwento ng mga batang may “MGA PAANG DILAW”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, June 3, 2019 pagkatapos ng Saksi sa GMA7.

(English version)

Every year, around 3,500 children with club foot are born in the Philippines. Club foot is an abnormality usually present at birth in which the baby's foot is twisted out of shape or position. This is the condition of siblings Ivan, eight years old, Ashley, six years old and Princess, two years old. Sadly, their mother, Ilyn, was also born without arms. Despite their situation, they are defying the odds. 

 

Tags: frontrow