ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

'Ang Pamilya ni Alwina' at ang kalbaryong kanilang pinagdaraanan dahil sa iba't ibang sakit


 
Sa Barangay Polo, Alaminos, Pangasinan nakilala namin ang pamilya ng mag-iisang taong gulang na si Alwina. Bagamat mukha silang masayahin sa unang tingin pa lang alam mo agad a hindi pangkaraniwan ang kaniyang buong pamilya. 

Ang nanay niyang si Wilma ay lumpo at hirap magsalita habang ang kanyang ama naman na si Mark Alvin, nakaluwa ang mga mata at kakaiba ang mga buto dahil sa isang genetic disease na ang tawag ay Crouzon syndrome. Ang masaklap, tila namana lahat ito ni Alwina.

Si baby Alwina kasi, may iba't ibang sakit bukod sa nakaluwang mata na namana niya sa kanyang Tatay, ipinanganak rin siyang walang butas ang puwit at may malaking butas ang ngala-ngala. Hindi pa rin ito nakakalakad kaya pinangangambahan ng kanyang ina na lumpo rin ang bata.

Dahil salat sa buhay madalang makakonsulta sa doktor ag pamilya. Ang gamit na colostomy bag sa butas niyang sikmura, plastic ng yelo at takip na binalutan ng tela at garter ang kanilang ikinakabit sa bewang ng batang si Alwina, mas makakamura raw kasi sila. Paano napapagtagumpayan ng ANG PAMILYA NI ALWINA ang ganitong pagsubok? Tunghayan sa Front Row ngayong Lunes Hunyo 24, 2019.

Tags: frontrow