ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
‘Front Row’
Magkapatid, umaakyat ng bangka para manghingi ng mga tirang pagkain
“AKYAT BANGKA”
July 15 Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
Sa pantalan ng Navotas, araw-araw umaakyat sa mga malalaking bangka ang magkapatid na Dodong, anim na taong gulang at Chuckie, apat na taong gulang. Ang kanilang pakay: manghingi ng mga tirang pagkain. Ito ang paraan ng magkapatid para mapawi ang kumakalam nilang sikmura.
Nakakulong ang ina nila at hindi na rin nagpakita ang kanilang ama. Naiwan ang magkapatid sa pangangalaga ng kanilang tiyahin. Pero hindi lang din sila inaalagaan nito. Kaya halos nabubuhay sa kanilang mga sarili ang magkapatid.
Sundan ang kanilang kuwento sa dokumentaryong "Akyat Bangka" sa Front Row, ngayong Lunes ng gabi, July 15 pagkatapos ng Saksi.



(English)
Siblings Dodong, 6 yrs old and Chuckie, 4 yrs old climb to big boats docked at Navotas port to ask for food in order to survive.
Tags: frontrow
More Videos
Most Popular