ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagang naputulan ng isang binti, wagi sa larangan ng pagsasayaw


 

Front Row
Sayaw ng Dalawang Gulong
December 16, 2019

Nawalan ng isang binti si Lairca Nicdao, 18, nang dahil sa cancer sa buto noong siya ay anim na taong gulang. Ngunit hindi nagpatalo sa kaniyang kapansanan si Lairca at ngayon ay isa nang kampeyon sa para dancing, isang larangan ng dancesport para sa mga persons with disabilities. Gamit ang wheelchair sa halip ng mga paa, nagagawa ni Lairca na magbahagi ng kuwento at emosyon sa pagsayaw.

 

 

Ngunit sa likod ng maganda at eleganteng pagtatanghal ay kuwento ng pagsisikap, pagsisipag, at pagpupursigi upang makamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Nagsisimula pa lamang si Lairca.

 

 

English synopsis

Lairca Nicdao, 18, lost her leg to bone cancer at the age of 6. But instead of letting her condition defeat her spirits, Lairca pushed on to become a world champion in Para Dancing, formerly referred to as wheelchair dancesport, a competition for talented performers with disabilities.

But behind the graceful and elegant performances is a story of grit, persistence, and a determination to reach her life’s dreams. Lairca has only just begun.