ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bayanihang Pinoy, nananatiling buhay sa gitna ng sakuna


 

 

BAYANIHAN
January 20, 2020

 

Ilang dekada nang tahimik ang Bulkang Taal. Aktibo man ito, walang tigil ang turismo na siyang kinabubuhay ng mga residenteng nakatira sa paanan mismo ng bulkan. Noong ika-12 ng Enero ngayong taon, nagsimulang bumuga ng usok ang Taal. Dali-daling nagsilikas ang mga tao sa mga bangka. Sa pagmamadali ay naiwan na ang kanilang mga alagang hayop. Sa ikatlong araw ng pagsabog ng usok at abo, wala na halos tao sa mga bayan sa tabi ng lawa. Sirang-sira ang buong kapaligiran nang dahil sa makapal na abong bumalot dito.

Sa mga unang araw pa lamang ay lumabas na ang mga social media posts tungkol sa aksyon ng mga indibidwal upang makatulong sa mga nasalanta. May mga simbahang nagbukas ng kanilang mga pinto para sa mga biktima. May mga grupong nagluto para sa daan-daang katao. Mmay isang mananahi na gumawa ng daan-daang face masks bilang proteksyon sa abo dahil nagkaubusan na nito sa mga tindahan.

Takot man at nawalan na ng tahanan, nagtulong-tulong ang mga residente mismo ng isla upang iligtas ang kanilang mga hayop na naiwan doon. Hindi man namatay sa pagsabog ay nanghihina na ang mga ito sa gutom. Malaking bahagi ng kanilang buhay at pamumuhay ang kanilang mga alaga, kaya tulong-tulong nilang binuhat ang mga ito - kabayo, baka, at aso - sa bangka upang ilayo sa panganib.

 

English synopsis:

The Taal Volcano has been quiet for decades. Though considered an active volcano, tourism is still the main livelihood of the people living on the island where it stands. On January 12, 2020, the volcano came alive and started spewing ash and smoke. The people fled the island on boats, with no choice but to leave their animals behind. Three days after the eruption, the surrounding areas have become ghost towns and residents have been evacuated in safe places. Everything is caked in thick ash.

Soon after the eruption, social media posts about individual initiatives to help the victims came out. Churches opened their doors to evacuees. A group set up a mobile kitchen to feed hundreds of people. S seamstress even made hundreds of face masks to protect against the ash when the stores ran out.

Though still afraid and mourning their destroyed homes, the residents of the island decided to band together to save their animals left behind. The animals survived the eruption but would soon die of hunger. The animals have given them their livelihood for years, and so the men lifted them one by one - horses, cows, dogs - into their boats to ferry them to safety.

In the midst of such calamity, the Filipino bayanihan -  the spirit of unity and communal work - shines through.