'Zookeepers' ngayong Lunes sa 'Front Row'!
ZOOKEEPERS
Taong 2019 nang isara ang Manila Zoo bilang bahagi ng rehabilitasyon ng kalapit na Manila Bay. Kamakailan ay nagpasya ang pamahalaan ng Maynila na ang zoo mismo ay kailangan na rin ng rehabilitasyon. 61 taon nang bukas ang Manila Zoo para sa kabataan ng Maynila subalit ngayon lang ito ire-renovate nang husto.
Kahit sarado man ang zoo sa publiko, tuloy pa rin ang trabaho ng mga zookeeper o tagapag-alaga ng mga hayop sa loob. Ang ilan sa kanila, ilang dekada na ring nagtatrabaho rito. Binata pa lamang sina Noel Co, 38, at Edgar Berling, 51, nang unang pumasok sa Manila Zoo bilang mga volunteer. Kasabayan nila ang mga alagang hayop sa paglipas ng panahon. Nang mag-retire ang unang tagapagalaga kay Maali, ang nag-iisang elepante sa Manila Zoo, si Noel na ang itinalagang tagabantay nito. Halos sampung taon daw bago naging komportable si Maali sa kaniya.
Ngayong ginigiba ang ilang bahagi ng zoo, doble kayod ang mga zookeeper sa paglipat at paggawa ng pansamantalang kulungan para sa kanilang mga alaga. Kahit mas mabigat ang trabaho, masaya silang bibigyang-pansin na rin ang lumang zoo at magkaroon nang mas malawak na tirahan ang mga hayop. Ang tanging hiling ng mga zookeeper, respetuhin ang kanilang mga inaalagaang hayop sa loob kapag nagbukas na ulit ito sa publiko.
ENGLISH
In 2019, the Manila Zoo was forced to close down as part of the efforts to rehabilitate the nearby Manila Bay. Recently, the government of Manila decided that the zoo itself was overdue for renovation. Manila Zoo had been open for 61 years but it had never been overhauled.
Despite the zoo’s closure to the public, life goes on inside for the zookeepers. Some of them have been working there for decades, like Noel Co, 38, and Edgar Berling, 51. Noel has been the caretaker of Maali, the zoo’s lone elephant, for almost 20 years. He says it took him almost 10 years before Maali became comfortable with him.
As the structures inside the zoo are being demolished one by one, the zookeepers are working doubletime to make new temporary homes for the animals and transferring them there. Some animals are also loaned to other farms while the zoo is being renovated. The workload has doubled but the zookeepers are happy that the old zoo is finally given attention. Their only request is for the public to respect the animals that they care for when the zoo finally reopens.


