FULL TRANSCRIPT: Paninindigan
What does a candidate believe in? What is his stand on the country’s most pressing and crucial issues? What can be expected from him as a public servant and how firmly will he stand by his promises during the campaign period? These are just some of the questions that the senatorial candidates faced in GMA News and Public Affairs' two-part election special, Paninindigan, that aired last March 31 and April 7.
Paninindigan was hosted by Mike Enriquez and Mel Tiangco. The first batch of senatorial candidates who were put in the spotlight last March 31 were Atty. Samson Alcantara, Bam Aquino, Greco Belgica, Sen. Chiz Escudero, Baldomero Falcone, Dick Gordon, Risa Hontiveros, Atty. Marwil Llasos, former senator Jun Magsaysay, retired general Ramon Montaño, and Sen. Koko Pimentel. As for the second Paninindigan episode that aired last April 7, the senatorial candidates who participated were Migz Zubiri, Bro. Eddie Villanueva, Edward Hagedorn, JV Ejercito-Estrada, Christian Seneres, Mitos Magsaysay, Ernesto Maceda, JC delos Reyes, Teddy Casino, Tingting Cojuangco, and Rizalito David.
In order for the public to have a basis through which they can hold the senatorial candidates accountable to their word should they be elected to the Senate, each candidate's Paninindigan was put on record.
Below is the full transcript of the senatorial candidates' Paninindigan:
PANININDIGAN EPISODE 1
Moderator: Mike Enriquez
MIKE ENRIQUEZ (ME): Mga Kapuso, sa a-trese ng Mayo muli tayong boboto ng labindalawang senador na uupo sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Ang bawat botante, mahalagang pumili ng karapat-dapat. Ang kanilang iboboto, dapat tamang kandidato. Ngayong gabi, isang natatanging pagkakataon ang handog sa inyo ng GMA News and Public Affairs para kilalanin at kilatisin ang bawat kandidato. Ano ang kanilang posisyon sa mga usaping may malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino? Ano ang kanilang paninindigan sa mahahalagang isyu? Magandang gabi po, mga Kapuso! Ako si Mike Enriquez at ito ang unang bahagi ng Paninindigan, the GMA News and Public Affairs special.
Bago po natin simulan ang forum na ito, narito po ang mga panuntunan. Bago ang forum, nagbunutan ang mga kandidato para malaman ang kanilang pagkakasunod-sunod sa pagsasalita. Kasabay nito, nagbunutan din sila sa mga isyu na kanilang tatalakayin. Magsisimula ang forum kapag tinawag na ang unang speaker sa entablado. Isang maikling profile ng speaker ang ipakikita sa video wall. Kasunod nito, isang tanong ng paglilinaw ang ilalahad ng moderator sa speaker. Bibigyan ng 60 segundo ang kandidato para sumagot. Pagkatapos nito, tatalakayin na ang isyu na nabunot ng speaker. Bago niya ipaliwanag ang kaniyang posisyon, papipiliin siya ng kandidato na magsisilbing interrogator niya. Matapos tawagin ang interrogator sa entablado, bibigyan ng 60 segundo ang speaker na ipaliwanag ang kaniyang posisyon tungkol sa nabunot niyang isyu. Bibigyan naman ng 20 segundo ang interrogator para ilahad ang kaniyang tanong sa speaker. Sasagutin ito ng speaker sa loob ng 30 segundo. Para mas lalong mabigyan ng linaw ng speaker ang kaniyang posisyon sa isyung pinag-uusapan, ilalahad ng moderator ang huling tanong sa speaker. Para siguruhing walang sinuman ang lalagpas sa inilaang oras, may timer na makikita sa video wall. Sa huling 10 segundo ng itinakdang oras, may tunog na maririnig ‘kada patak ng segundo hanggang sa maubos na ang oras ng nagsasalita. Bilang hudyat na ubos na ang oras, tutunog ang isang buzzer. Papatayin ang mikropono ng nagsasalita kapag naubos na ang inilaang oras para sa pagpapaliwanag, pagtatanong, o pagsagot. Uulitin ang proseso ng pagpapaliwanag, pagtatanong, o pagsagot hanggang lahat ng kandidato ay mabigyan ng pagkakataong maging speaker at interrogator.
At para sa mga kandidato namin ngayong gabi, gusto naming malaman n’yo na ito po ay itatala po namin, o recorded ang lahat ng inyong mga sasabihin, bilang tanda kung inyo nga bang mapaninindigan ito sa oras na kayo na nga ay mabigyan ng pagkakataong maihalal sa Senado.
GRECO BELGICA
ME: Huwag na po nating patagalin. Hindi na po tayo magpapaligoy-ligoy. Sa puntong ito, tawagin na po natin ang unang kandidato: Greco Antonious Beda Belgica ng Democratic Party of the Philippines. Dating konsehal ng ika-anim na distrito ng lungsod ng Maynila, pastor ng The Lord’s Vineyard Covenant Community Church, board member [ng] Anti-Drugs Administrative Board ng lungsod ng Maynila.
G. Belgica, ito na po ang unang tanong namin. May mga bumabatikos sa inyong naging pahayag na sabihin ninyo na hindi dapat bakla ang mga Pilipino at dapat handa tayo sa laban sa pagresolba sa krisis sa Sabah. Ano ang inyong reaksyon sa mga pumupuna sa naging pahayag ninyong iyan, lalo na iyong tinatawag na LGBT community? Animnapung segundo ang nakalaan para po sa inyong sagot!
Greco Belgica (GB): Tito Mike, hindi po sila ang kausap ko eh. I was referring and I was addressing my question to government, pamahalaan. Ang ating pamahalaan na may kapasidad at posisyon at kakayanan na gumawa ng isang bagay at aksyon na hindi nila ginagawa. Puwede naman nilang protektahan ang mga tao na under threat po. Araw-araw may namamatay na mga tao doon. Bakit hindi nila pinapadalhan ng mga gamit, ng mga tao, mga tangke para maprotektahan ang mga buhay na iyon? It was coming from a man na nasasaktan sa kalagayan ng mga kababayan natin doon. Sabi ko, paano kaya kung dito tayo sa Luzon nilusob? Ano sasabihin? Lipat na lang tayong lahat ng Cebu? Ano ho ang silbi ng pamahalaan na hindi kayang ipagtanggol ang ating mga kababayan at ang ating teritoryo? Kaya sinabi ko, we must, in order to get peace... Our enemies must know that we are ready to get into war at any given time for preparation is prevention.
ME: Okay. Salamat po, Mr. Belgica. Sa punto pong ito, Mr. Belgica, bubunot po kayo ng pangalan kung sino ang magiging interrogator n’yo. Dito po kayo pipili ng pangalan. Sige po. Ang napili po ni Mr. Belgica ay si Senador Chiz Escudero. Samantala, sa puntong ito, G. Belgica, narito naman po ang isa pang isyu na dapat ninyong sagutin.
Humantong sa di-inaasahang krisis ang nangyaring gulo sa Sabah. Dahil sa stand-off, may mga namatay sa grupo ni Raja Muda Kiram at mga sundalo ng Malaysia. Marami rin ang sapilitang lumikas. May naging pagkukulang ba ang pamahalaan sa paglutas sa isyu na ito? Ano ang inyong mungkahi para naiwasan sana ang nangyaring gulo?
G. Belgica, mayroon po kayong isang minuto para sa inyong paninindigan.
GB: Malaki po ang naging pagkukulang ng pamahalaan. First of all, we have to remember that Sabah is a vassal state of a sovereign state. Nalimutan na po ng mga lider natin iyan na mayroong mga vassal state. Nagpasakop po ang mga Pilipino na nandiyan. Iyan lang po ang mga Pilipino lumaban na tuloy sa mga Kastila. Hindi nagpasakop iyan. Pero ngayon na nagpasakop sila sa atin, we have the responsibility to protect them, na hindi po natin ginagawa. Unang pagkukulang. Pangalawang pagkukulang ng gobyerno, dapat noong nangyari iyong marahas na pangyayari, ‘yung pinuntahan nila kaagad iyon, ‘yung pinadalhan kaagad ng mga sundalo, ng mga tangke, ng mga eroplano para maprotektahan ang mga Pilipino doon. Pangatlo pong dapat nilang ginawa, alam nga lang nating hindi kaya, dapat ginastusan na noong Spratlys Island pa lang na nagkakaproblema para mga kalaban natin, mga foreign relations natin, bago tayo pasukin at bago tayo i-invade, magdadalawang-isip. Magkakaroon ng peace process at peace talks. Ito po ang kailangan ginawa.
ME: Salamat po. At sa puntong ito, bibigyan natin ng pagkakataon ang ating interrogator na si Senador Chiz Escudero na magtanong. Muli nating ipinapaalala sa mga kandidato nating interrogator [na sila] ay mayroong 20 segundo para ibigay ang kanilang tanong at mayroon namang 30 segundo ang speaker para sagutin ang tanong. Senador Chiz, kayo na po ang magtatanong.
Chiz Escudero (CE): Greco, good evening. Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng pamahalaan para isulong at ipaglaban sa mapayapang paraan ang ating claim at karapatan sa Sabah? Pangalawa, paano natin mapapangalagaan ang 800 Pilipino na itinuturing [na] stateless persons ngayon doon dahil ayaw nilang mag-apply bilang Malaysian at ayaw din nilang kumuha ng Philippine passport?
GB: Salamat po, Senator Chiz. Unang una po, ‘yung mga namimiligro na doon ay dapat iligtas na natin at protektahan. Para tunay na maprotektahan po ang mga Pilipinong namimiligro doon, dapat padalhan na natin sila ng proteksyon, mga tao, tangke, gamit para sila po ay hindi inaapi-api at pinapatay doon. Ano man ang pagkakahiwalay ng isyu ng pamahalaan at pamilya Kiram ay hindi na isyu iyon dahil buhay na ang pinag-uusapan ngayon. Para maitulak ang peace process, dapat ipakita na tayo ay handang lumaban at handang ipagtanggol ang ating mga kababayan para magkaroon ng pag-uusap na mapayapa.
ME: Okay, Mr. Belgica. Isang tanong na lang po at ang magtatanong sa puntong ito ay ako. Dapat bang parusahan ang pamilya Kiram dahil sa nangyaring ito sa Sabah o hindi?
GB: Hindi po. Kasalanan po ito ng pamahalaan natin. Sila po ang nagkamali rito. Gaya ng sinabi ko, vassal state iyan. Obligado tayo, responsibilidad natin na protektahan ang mga iyan dahil nagpailalim sa atin ang mga iyan. That is a fundamental issue sa foreign relationship. May mga bayan na nagpapasakop sa mga mas malalaking bayan gaya [natin], naging vassal state tayo ng mga Amerikano kaya hindi tayo ginagalaw dito. Dahil kapag tayo ay ginalaw, poprotektahan nila tayo. Iyan po ang sitwasyon ng Sabah sa Pilipinas. Responsibilidad natin iyan. Kasalanan iyan ng pamahalaan.
ME: Salamat po, Mr. Belgica. Salamat po, Senador Escudero.
RICHARD GORDON
ME: Ang susunod na maninindigan ay si G. Richard “Dick” Gordon ng United Nationalist Alliance o UNA, chairman ng Philippine Red Cross, dating senador, dating kalihim ng Kagawaran ng Turismo. At Mr. Gordon, narito po ang aking tanong sa inyo: matagal kayong nagkaalitan ni dating pangulong Joseph Estrada?
RICHARD GORDON (RG): Yes.
ME: Ang unang-una niyang ginawa noong siya’y presidente ay paalisin kayo bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA tapos ngayon, magkasama kayo sa magkaparehong partido? Senyales ba ito na kayo po ng dating presidente ay magkapanindigan na? Sige po, ipaliwanag n'yo po kung paano nangyari ito at ano ang ibig sabihin nito.
RG: Well, unang-una, magkaibigan kami ni Erap. Pareho kaming mayor niyan eh. Pareho kaming tinanggal noong panahon ni Cory. At kami ay magkasama sa sinehan. I had a theater, he was a producer. He acted in films. I also acted in films once upon a time. Magkaibigan kami at gusto ko naman ‘yung ginawa niya sa San Juan. Pero siyempre, {*unintelligible} sa ibang tao dahil nagkamali din sa mga issues at naglalaban kami. Well, may mga pagkakataon na mag-aaway tayo. ‘Yung pag-aaway, hindi naman forever. You have to embrace your friends, as well as your enemies, para sa ganoon [ay] malaman mo na ikaw ay matinong tao. May balance ako. So ako, walang problema na magkasama kami ni Erap ngayon. If he does something wrong, I’ll fight him. If he doesn’t do anything wrong, I’ll stay with him.
ME: Okay, salamat po sa sagot ninyo. Samantala, maaari na po kayong bumunot ng interrogator n’yo ngayong gabi. Ang nabunot po ni G. Gordon ay si Bam Aquino.
Bago po si Mr. Aquino, ito po ang isyu na mahalaga na inyong panindigan. Sa ilang pagkakataon, may mga kandidato na pinayagang tumakbo kahit sila ay dati nang may kaso o may kasong kinakaharap o kahit na nakakulong. Dapat ba silang payagang tumakbo, o maghahain ka ng panukala o pagbabago sa mga umiiral na batas para 'yan ay matugunan?
Mayroon po kayong isang minuto para sagutin iyon.
RG: Palagay ko sapat na ang batas na nandoon ngayon sa Omnibus Election Code na ikaw, kapag ikaw ay nagkasala, ma-gulity ka o final judgment, o kaya ikaw ay natapos mo na ang sentensya mo and afterwards, after five years, puwede ka nang tumakbo ulit, o kaya na-pardon ka, o kaya nabigyan ka ng amnesty. Ganoon din sa Local Government Code. Kapag ikaw [ay] na-sentensyahan ng one year, pagkatapos ng two years puwede ka nang tumakbo. Ulit, iyon ay malinaw na sinusunod lang iyong prinsipyo na innocent until proven guilty. Mahalaga po ang prinsipyo na iyan sapagkat kung ang lahat ng tao ay tatanghalin n’yong gulity pero hindi n’yo pa napapatunayan, mawawala po ‘yung tinatawag nating due process o ang pagkakataong magpaliwanag, ubusin ang lahat ng paraan para mapatunayan niyang hindi siya nagkasala at kung {*unintelligible} ay talagang mas maganda sapagkat ang mangyayari ay may pagkakataon na mapatunayan ang kaniyang innocence or guilt.
ME: Ito naman ang inyong interrogator na si G. Bam Aquino, na may 20 segundo na magtanong, at mayroon po kayong 30 segundo para sagutin. Mr. Aquino...
BAM AQUINO (BA): Iyong tanong po kasi hindi lang siya tungkol sa mga kaso. Tungkol din siya sa leadership. Kaya gusto kong tanungin si Senator Gordon, na isa rin [sa mga] tinitingala ko noong bata pa ako at nagtsi-cheer siya sa Ateneo noong panahon na nasa school pa tayo. Tingin n’yo po ba, ano iyong tatlong bagay na importanteng-importante sa mga leader ng ating bayan?
RG: Unang-una, kailangan mayroon kang leadership, mayroon kang resulta, mayroon kang integrity para tumakbo ka. Now, ang importante sa sinasagot ko kanina ay iyong discernment ng tao. Dapat nakakaintindi ang tao natin ngunit napakaraming ingay ng media. Lumalabas showbiz ang ating eleksyon. Hindi napag-uusapan iyong dapat pag-usapan katulad ngayon, imbis na pag-usapan iyong nangyayaring brown-out sa Mindanao o iyong nangyayari sa Sabah, ang pinag-uusapan ay iyong kay Kris Aquino na naghihiwalay o ‘di kaya naman iyong tinatawag nating si Chiz. Sorry, Chiz.
ME: Salamat po, salamat po! Ako naman ang magtatanong. Ang huling tanong po para sa inyo sa gabing ito. ‘Yung mga tumatakbo ngayon na may kaso, ke nahatulan na o kahit iyong kaso ay nakahain pa, ano po ang inyong mapapayo sa mga kandidato na iyan?
RG: Aba! Ipapayo ko hindi sa kanila, sa tao. Kapag humarap ka at may sugat ka, dapat maintindihan ng tao na ang pinipili nilang tao ay dapat may integridad. Nasa tao iyan. Kaya bumagsak ang bayan natin [ay dahil] ang tao [ay] hindi marunong tumingin sa mga kandidato at nangyayari, hindi po ba kayo nakakahalata, pababa nang pababa ang ating bansa samantalang ang ibang bansa, pataas nang pataas? Tuwing mage-eleksyon tayo, dapat umaasenso. Hindi tayo umaasenso sapagkat mali ang pagpili ng mga leader natin.
ME: Salamat po!
RG: Thank you!
ME: Maraming salamat, Mr. Bam Aquino at Mr. Richard Gordon! Napakinggan na natin ang paninindigan ng unang dalawang kandidato sa pagka-senador sa maiinit na usapin. Huwag kayong bibitiw! Magbabalik ang Paninindigan, the GMA News and Public Affairs Senatorial Forum!
CHIZ ESCUDERO
ME: Ngayon naman tatawagin natin sa entablado ang kandidato sa pagka-senador na si Senator Francis Joseph “Chiz” Escudero ng Liberal Party Coalition, kasalukuyang senador, dating kinatawan ng unang distrito ng Sorsogon, ginawaran bilang isa sa Ten Outstanding Young Men ng taong 2005.
Senador, narito po ang unang tanong para sa gabing ito. Marami na pong nagsabi o sinasabi iyong mga magulang ng iyong kasintahan na laban sa inyo. Binibigyan po namin kayo ng 60 segundo para maibigay naman ang panig ninyo at pagkakataon na rin po ito para sa inyo na magpaliwanag, Senador.
CHIZ ESCUDERO (CE): Salamat, Mike. Una sa lahat, nais ko humingi ng paumanhin sa publiko dahil napag-uusapan at nadadamay ang personal na usapin sa debate kaugnay ng halalan. Hindi po namin ginusto ito pero hayaan n’yo pa rin akong magpaliwanag. Base mismo sa sinasabi nila, gusto lang po nila kaming paghiwalayin at ano man ang sinasabi at ginagawa nila, iyan lamang ang obheto. Para sa akin, simple lang po lamang. Mahal ko rin po ang mga anak ko pero sa ngalan na iyan na gagawin ko iyan na manira o manglait ng tao. Kung may problema man ako sa anak ko, hindi po ako magpapatawag ng press con at idadamay ang publiko. Marami na po ang nadadamay. Marami na po ang nasasaktan. Sana tama na dahil sa dulo, magulang pa rin Heart iyon at mahal pa rin niya. Sa dulo, anak pa rin nila si Heart at pareho silang nasasaktan. Kaming lahat, nasasaktan dito.
ME: Salamat po, Senador.
Mayo ng taong 1999 nang ratipikahan ang RP-US Visiting Forces Agreement. May mga pabor at hindi pabor sa kasunduang iyan. Kung kayo ang tatanungin, ano ang dapat gawin sa VFA? Repasuhin, ipagwalang bisa, o ipagpatuloy? Bakit?
CE: Kung muling ihaharap sa Senado ang tratado kaugnay ng VFA, hindi ako boboto pabor diyan as is. Kailangan repasuhin at i-review iyan pra baguhin ang ilang probisyon, partikular dalawa. Una, kaugnay ng criminal jurisdiction. Kapag may ginawa silang krimen dito, ibig sabihin mga sundalong Amerikano, dapat managot sila rito. Hindi sila puwedeng magtago sa palda ng pamahalaan nila at ng US Armed Forces. At dapat, dito sila litisin at ikulong. Pangalawa, Visiting Forces Agreement ang title nito, wala akong nakitang bisita na 365 days a year nandito sa ating bisita. Kapag tinawag nating bisita, nandiyan lang {*unintelligible} at hindi araw-araw, oras-oras nandito. Dapat niliwanag din iyan sa tratado dahil malayang bansa ang Pilipinas. Mas mahirap man tayo kaysa sa Amerika, marapat may karapatan tayo at kasarinlan na dapat ipaglaban, ipagbunyi, at ipagsigawan sa buong mundo.
BALDOMERO FALCONE (BF): Maraming salamat po. G. Senador Chiz, kailangan pa ba ang VFA? Bakit?
CE: Sa pananaw at palagay ko, kaya nga dapat repasuhin iyan, kung muling ihaharap iyan sa Senado, marapat at dapat ipagtanggol ito ng mga nagsusulong nito. Sa aking pananaw at palagay, gaya ng sinabi ko, mahirap man tayong bansa, malaya tayong bansa at dapat ipaglaban, ipagbunyi, at ipagsigawan natin na isa tayong malayang bansa na kayang tumayo sa sariling paa bagaman kulang ang ating kakayanan.
ME: Sabi n’yo ‘yung VFA kailangan ng mga pagbabago. 30 segundo. Anong mga pagbabago ang sa tingin ninyo’y kailangan ng VFA na iyan, Senador?
CE: Gaya ng nabanggit ko, Mike, una dapat liwanagin natin ang criminal jurisdiction. Tayo may jurisdiction at hindi sila. Walang one-year limitation para tapusin ‘yung kaso at sila na bigla ang may jurisdiction. Nakakulong dapat sa ating mga kulungan at hindi sa US Embassy ang sinumang kakasuhan na may gagawing pagkakamali. At liwanagin nating bisita lamang sila rito. Hindi sila puwedeng mamalagi rito ng 365 days a year. Ang sagot kasi sa amin noon, iba’t ibang sundalo naman daw ang pumupunta rito pero pare-parehong mga sundalong Amerikano iyan. Iyon dapat ang ating maging pananaw.
BAM AQUINO
ME: Ang susunod na maninindigan po mga Kapuso ay si G. Bam Aquino ng Liberal Party Coalition, dating Chairperson ng National Youth Commission, pangulo ng MicroVentures Inc., isang social enterprise program, ginawaran bilang isa [sa mga] Outstanding Young Men noong taong 2010.
Kamakailan may naging pahayag ang campaign manager ng UNA, ang United Nationalists Alliance, si Kongresista Toby Tiangco. At ang sabi niya, dapat n’yong ipaliwanag ang naging kinalaman n’yo o koneksyon n’yo kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Ayan ah, hinirang niya kayo bilang Chairman ng National Youth Commission noong nakaraang administrasyong Arroyo? Nabigyan po kayo ng posisyon sa kaniyang administrasyon. Sige po, ipaliwanag n’yo.
BAM AQUINO (BA): Totoo po iyan. Pagkatapos ng EDSA II, marami po sa civil society, marami po niyan pumasok sa gobyerno. Kasama po tayo diyan at naging chairman po tayo ng National Youth Commission. By 2006 po, maagang maaga pa, nakaalis na po tayo sa puwesto natin. ‘Yung mga paratang po kasi ni G.Tiangco pinapalabas na parang 10 years tayong kasama ni Gng. Arroyo. Hindi naman po totoo. At saka ‘yung sinasabi po nila na kasangkot tayo ni Gng. Arroyo, hindi naman po totoo iyon. Kung tutuusin, hindi naman tayo pipiliin ni P-Noy na maging kasama ng Team P-Noy kung totoo po ‘yung mga sinasabi niya. Palagay ko ‘yung mga bagay-bagay na iyan lumabas lang noong umakyat po tayo sa survey. Noong medyo mababa pa tayo, wala naman silang hinihirit na ganiyan. Para po kasi sa akin, lumang pulitiko na iyan eh na nagbabato ng mga bagay-bagay, panlilinlang sa taong-bayan. Ang pag-usapan natin, ito po siguro ang hamon natin kay G. Tiangco, pag-usapan natin mga issues at kung ano talaga ang mahalaga sa taong-bayan.
ME: Alamin natin ang isyu na dapat panindigan ni G. Bam Aquino. Sa tala ng mataas at mababang kapulungan, kaunti lang ang mga mambabatas na nakapagtalaga nga ng perfect attendance noong nagdaang Kongreso. Kung papatawan ng parusa ang mga mambabatas na palaliban, ano ang inyong imumungkahi?
BA: Opo, Mike. Alam n’yo po ‘yung pagiging senador, seryosong bagay po iyan. ‘Yung pinaka-minimum po na puwedeng ibigay ng senador ay pumunta po at umattend sa session natin. Para po sa akin, pabor po ako na mayroong parusa sa mga hindi nag-a-attendance o di po nag-a-attend. Baka puwedeng piyansa po ito. Pero siguro po ‘yung mas importanteng tingnan po natin dito na nakalathala po talaga ang mga attendance ng mga senador kasama na po diyan ‘yung gastusin ng Senado, kung saan napupunta ‘yung PDAF, kung saan napupunta ‘yung operating expenses at ‘yung attendance. ‘Yung taong-bayan po ‘yung humusga kung dapat bang ihalal ang mga senador na hindi na po pumapasok sa Senado. So babalik po tayo nito sa leadership at sa governance po natin. Kailangan po ‘yung mga ihahalal natin, mga tao [na] talagang tapat sa paninilbihan, handa pong magtrabaho para sa bayan. At siguro po yung pinaka... napakakaunti na lamang nito sa mga hinihingi sa mga gustong maging senador ay mag-attend ng mga session.
JUN MAGSAYSAY (JM): Maaari bang bigyan natin ng multa ang mga absentee congressmen at senators upang sila ay hindi makaboto sa mga issues na ganiyan?
BA: Well, ako po ‘yung multa po siguro importante po iyan. Mayroong piyansa, ‘no? May fine kapag hindi po nag-a-attend. Pero hindi rin siguro tama rin na hindi sila bigyan ng pagkakataong bumoto sa mga issues dahil pinili rin naman sila ng taong-bayan. Palagay ko po ang isang healthy fine at baka ho habang umulit-ulit ng pag-a-absent ay mas tumataas, baka iyon po ay isang magandang parusa para sa mga hindi nag-a-attend. Pero sa kadulo-duluhan po ng lahat, balik pa rin po tayo sa taong-bayan. Marapat siguro ‘yung taong-bayan natin [ay] piliin po ang kandidato na seryoso sa pagiging senador.
ME: Hindi kaya ang pagtakbo ng isang Aquino sa pagka-senador ay nagmimistulang umpisa ng isang political dynasty na ang pangalan ay Aquino dynasty?
BA: Well, alam n’yo po, Mike, ang mga kapamilya po natin sa pulitika, mga taong binigay ang buong buhay nila, sila po ang inspirasyon ko. Gusto ko pong sumunod sa kanilang yapak. Totoo po iyan. Pero palagay ko naman po mayroon tayong kakayahan, mayroon tayong karanasan sa youth sector, sa mga maliliit na negosyante na puwede po nating ibahagi at i-share sa taong bayan. So palagay ko po ‘yung dinastiya, hindi naman po siguro iyan applicable, kung tutuusin isa ho kaming pamilya na may kasaysayan ng serbisyo publiko na gusto ko po sanang makasama po doon.
KOKO PIMENTEL
ME: At ngayon naman ang maninindigan ang ika-limang kandidato natin, si Senador Koko Pimentel ng Liberal Party Coalition, taga-pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, nanguna sa 1990 Bar Exams, founder ng Kontra Pandaraya Movement.
Senador, binibigyan po namin kayo ng pagkakataon na sagutin ang paratang na sinasaktan n’yo raw ang inyong asawa.
KOKO PIMENTEL (KP): Nalulungkot ako na inuulit natin ‘yung walang baseng akusasyon. So, in effect, we are repeating a libel, a libelous statement. Nakakalungkot po iyon kasi ‘yung taong nagpipilit niyan, idine-deny na nga siya noong kaniyang kino-quote na kamag-anak din niya. Ang sabi nga po sa akin ng kamag-anak niya, siya ngayon ay battered relative na kasi pinipilit siya na ganoon siya, hindi naman totoo. So sana po ‘yung mga baseless accusation na ganiyan, huwag na nating ulit-ulitin, especially on national TV, kasi iba-iba naman ‘yung panahon na iba-iba ang nakakapanood eh. So ‘yung mga tao na hindi nakapanood ng explanation eh sumasama tuloy ‘yung aking image sa kanila on the basis of an unfounded personal attack by a desperate candidate, so sana po maintindihan ng media na kung na-deny na ‘yung isang isyu, ay huwag nang ulit-ulitin.
ME: Kadalasan sa bawat malaking isyu o kontrobersiya, nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado. May maganda bang naidudulot o napapalang pakinabang ang publiko sa pagdinig na ‘yan?
KP: Opo, opo. Lahat naman po ng hearing o investigations sa Senado ay in aid of legislation at ito po ang, para sa’kin, function na kakambal ng lawmaking kasi hindi naman kami parang mga robot diyan na pagkatapos ng batas ay hahayaan na ang batas sa implementasyon. So we really, ‘yung legislators, ang Senado at ang Kongreso, retain the oversight function para po titingnan kung papaano po ini-implement iyang mga batas na ginawa nila. So doon sa tanong natin, kunwari may mga controversial na nangyayari, kung in-investigate iyan ng Senado o ng Kongreso, ang tanong, “Bakit nangyari itong bagay na ito in spite of the laws?” or “Bakit nangyari itong bagay na ito? Bakit? Kulang ba sa batas?” So iyon ‘yun, ganoon ‘yung anggulo ng investigation na ito. Mayroon pong kabutihan ang resulta ng mga investigation kasi sometimes mayroong law na lalabas o may improvement sa batas na mangyayari. Iyon po.
MARWIL LLASOS: Saksi tayo sa maraming pagkakataon na ginagamit ang investigation in aid of legislation para batikusin ang mga taong dumadalo rito. Ano iyong pamamaraan na sa tingin mo makakapag-protect ng rights ng mga imbitadong resource person sa imbestigasyon?
KP: Well, para sa akin kasi, nasa ano iyan eh, nasa Senate rules na rin naman iyan na dapat respetuhin ang mga karapatan ng mga testigo na humaharap sa investigation. I think, if I am not mistaken, that is a constitutional right. So siguro, ang importante na lamang ay mai-remind ang mga senador o ang mga congressmen sa hearing na, “Oh, may mga rules kayo na ganiyan ha. Be conscious of your rules na dapat respetuhin ninyo ang karapatan ng mga testigo sa mga investigations.
ME: Sapat ba, sobra ba, o kulang ba ang bilang ng mga imbestigasyon na ginagawa ng Senado?
KP: Well, tamang tama lang po. Hindi naman kami kahit ano ang pinaka...kung ano ‘yung headline o ano ‘yung nasa frontpage iimbestigahan na. Iyong sa tingin lang namin na dapat imbestigahan. For example, ang napakagandang example ng makabuluhang investigation is ‘yung fertilizer fund scam na inimbestigahan ni Senator Jun Magsaysay. Hanggang sa dulo, nalaman tuloy natin ang dulo ng scam na iyon so may kabutihan pong lumalabas sa mga imbestigasyon na ito.
JUN MAGSAYSAY
ME: Tawagin na natin si G. Jun Magsaysay ng Liberal Party Coalition, dating senador, dating kinatawan ng mababang kapulungan, dating chairman at pinuno ng UCPB-CIFF Oil Mills Group.
Ano po ang inyong masasabi tungkol dito sa mga haka-haka na kaya kayo kinumbida na tumakbo sa Partido Liberal ay kontra doon sa tumakbong pamangkin n’yo naman sa United Nationalist Alliance o UNA na si Congresswoman Mitos Magsaysay?
JUN MAGSAYSAY (JM): Hindi ho totoo iyan sapagkat ako ay isang longtime Liberal at gusto ng ating Partido Liberal at [ng] Presidente na makabalik sa Senado upang tumulong sa mga reporma. Alam n’yo naman po noong araw na marami tayong mga reforms. Hindi lamang ‘yung Fertilizer Fund Scam issue, but we reformed the Armed Forces of the Philippines, ‘yung kanilang salary standardization grade. We also reformed the E-Commerce Law. Dati niyan ang nagbigay ng malaking ayuda sa mga negosyo ng business process outsourcing at marami pa, pati Anti-Money Laundering. Iyan po ang ating authorship at sponsorship. Iyan ay gustong pagbalik natin, ipagpapatuloy para magkaroon ng pagbabago.
ME: Narito po ang isyung dapat panindigan ng ating kandidatong Jun Magsaysay. May mga kandidatong dating magkagalit, ngayo’y sanggang-dikit. Mga dating magkakampi, ngayo’y magkakatunggali. May ilang palipat-lipat, may ilang papalit-palit ng partido. Minsa’y labu-labo nga raw ang umiiral na multi-party system sa bansa. Kung halimbawang ikaw ay hindi napili o naisama bilang kandidato ng inyong partido, aanib ka ba sa dati mong kalaban o magtatayo ka ng partido para makatakbo?
JM: May kasabihan, Mike, na there is no permanent friendship or enemy. Only permanent interests. Ibig sabihin niyan, puwedeng lumipat ang isang kandidato sa kabila o sa gitna. Depende sa isyu, so mahalaga ang isyu, mahalaga ‘yung tinatawag na mga paninindigan kasi ang partido puwedeng magpalit, so sana magakaroon tayo ng ideology na two-party system na ideal. Ideal ang two-party system. At diyan makikita natin ang paninindigan ng bawat kandidato o pulitiko. Iyon ang mahalaga, ang paninindigan ng bawat isa.
GRECO BELGICA (GB): Tito Jun, ito po ang nagpahirap sa ating bayan, ‘yung sa kandidato nga ng senador pasikatan na lang ng pangalan. Pero sa mga mahihirap, maliliit na tao, hindi naman nakakaramdam ng pagbabago. Ano po ang puwede nating gawin para ‘yung maliliit na tao [ay] tunay na maririnig sa Senado?
JM: Ayan ang tinatawag ng ating former Senator Dick Gordon na liderato. Leadership is the most important thing sa lahat ng ating ginagawa, whether it’s social, political, or economic. ‘Pag mayroon tayong liderato na sinasabi na kung sino ang mga salat sa buhay ay dapat magkaroon na[ng] higit sa batas, ayan ang credo na dapat nating sundan. Those who have less in life should have more in law. Leadership.
ME: Salamat po. Ito naman po ang aking tanong sa inyo ngayong gabi. Pinag-uusapan natin itong mga palipat-lipat na kandidato. Kung sakaling kayo ay maging senador ulit, susuportahan n’yo ba ang batas na nagtatakda ng tinatawag na two-party system o dalawang partido lang para maiwasan daw ang sinasabi nilang pagbabalimbing ng mga pulitiko?
JM: I will support that actively. Mahalaga ang two-party system para defined ang ideology. Parang sa Amerika o sa Inglatera, mayroong labor, mayroong socialist party. Sa States, Democratic o Republican. Iyan ang dapat dito sa atin. Mayroon naman ngayon dito ang UNA opposition. Kami ang Team PNoy, of course.
RISA HONTIVEROS
ME: Susunod na maninindigan ay si Bb. Risa Hontiveros ng Liberal Party Coalition, dating kinatawan ng Akbayan Party-list, dating Chairperson ng Akbayan Citizen’s Action Party, dating miyembro ng government panel para sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front.
At narito ang unang tanong sa inyo ngayong gabi, Bb. Hontiveros. Sa katunayan, medyo may pagka-dalawa ang tanong na ito.
Bakit n’yo tinawag na bully ang simbahang Katoliko at pangalawang tanong, kaugnay ng tanong na iyan, bukas ba kayo sa pakikipag-dayalogo o pakikipag-areglo, ika nga, sa simbahang Katoliko tungkol dito sa hanggang ngayon ay kontrobersiyal pa rin na Reproductive Health Law or RH Law?
RISA HONTIVEROS (RH): Salamat, Mike. Tinawag kong electoral bullying at voters’ miseducation ang ginagawa ng ilang obispo natin tungkol doon sa pagbansag ng mga team-team at pagsabit pa ng mga tarpaulins sa ating mga cathedral dahil hindi nirerespeto ‘yung opinyon ng karamihan ng mga mamamayan na nakipag-ugnayan sa dalawang kapulungan ng ating Kongreso at maging sa presidente upang ipasa ang Reproductive Health Law. Voters’ miseducation dahil nagsasabi sila ng hindi totoo sa RH Law kaugnay ng abortion, kaugnay ng karapatan ng mga bata at ng karapatan ng ating mga senior citizens. Gayunpaman, sa tingin ko, hindi ito makakaapekto nang masama sa aking kandidatura at lagi, katulad ng isa’t kalahating dekadang pakikipaglaban para sa RH Law, nananatili akong bukas sa dayalogo at pag-uusap batay sa mutual na paggalang bilang mga tao at mamamayan.
ME: Ito naman po ang isyu na bibigyan natin ng pansin sa puntong ito. Sa pagkakabasura ng ilang mga kasong kinasasangkutan ni dating pangulong Gloria Arroyo, naniniwala ka ba na may sapat at matibay na ebidensya laban sa kaniya? May labis o kulang ba sa ginagawa ng pamahalaan kontra kay Arroyo?
RH: Salamat, Mike. Walang labis o kulang. Tama lang po ang ginagawa ng administrasyong Aquino kaugnay [kay] dating presidente GMA. At hindi po ito usapin ng paghiganti, kundi usapin po ng hustisya. Isa po ako sa naghain ng kaso tungkol sa plunder laban kay dating presidente GMA at kahit pa may ibang mga kasong laban sa kanila na ibinasura, masasabi ko po na dito sa kaso ng plunder, malakas ang aming ebidensya laban sa kaniya. Noon, iniwasan niya ang impeachment processes at iba pang mga imbestigasyon kaugnay ng mga kaso ng pang-aabuso. Ang nangyayari po ngayon ay hindi lang po PNoy laban kay GMA. Ito po ay ang sambayanan laban sa pang-aabuso at sa nagsasabing hindi dapat ang kapangyarihan ay gamitin ng isang pinuno laban sa mga mamamayan.
RAMON MONTANO (RM): Kung ganoon ang ating gagawin, dapat sa mga kaso ni former president Arroyo, ano ang specific {*unintelligible} kapag nasa Senado na tayo?
RH: Siguro po kung makapagtrabaho na ako sa Senado, itutuloy ko po ‘yung mga laban kontra-katiwalian para siguruhin na sa daang matuwid [ay] wala talagang katiwalian na at sa daang matuwid [ay] wala ring maiiwanan. Kung makapagtrabaho rin ako sa Senado, ikakambal ko sa mga laban kontra-katiwalian ang mga laban para pa rin sa mga kabaro ko, mga kababaihang Pilipino at sa mga ordinaryong mamamayan.
ME: Kung kayo po ay papalarin na maging senador ng republika at kung kayo po, o ibang senador o mambabatas, ang maghahain ng panukala na mapalaya si Gng. Arroyo, papayag ba kayo? Pangalawa, kung papayag man kayo, mayroong bang mga kondisyones na gusto n’yong masunod para siya ay mapalaya?
RH: Siguro po matter of timing iyan, Mike. Kung mayroon na pong natapos na trial laban kay dating pangulong GMA at na-convict na po siya sa pagpapatakbo ng kaso na iyan, iyon siguro po, napapanahong pag-usapan ang posibleng pagpapatawad o iba pang humanitarian gesture sa kaniya. Pero ang importante, hindi ‘yung pareho kundi ang ma-put on record kung ano ang totoong nangyari at sa ganiyang paraan, mabigyan ng transparency at accountability ang mga mamamayan.
MARWIL LLASOS
ME: Atty. Llasos, ito po ang tanong ko sa inyo. Tutol ang partido ninyo, Ang Kapatiran, sa napakakotrobersiyal hanggang ngayon na RH Bill, na naging RH Law o Reproductive Health Law na. Ano naman po ang pananaw ninyo naman sa usaping same-sex marriage naman po ngayon, Attorney?
MARWIL LLASOS (ML): Isang party stand po ng Ang Kapatiran na tumututol kami sa same-sex marriage. Hindi po dahil galit kami sa LGBT community kundi naninindigan po kami sa tradisyonal na pananaw na ang pamilya, na ang kasal ng isang lalaki at ng isang babae—ito po ay kultura ng Pilipino at ito po ay pananampalataya ng nakararami at ito rin po ang paninindigan ng Ang Kapatiran party.
ME: Ito po ang isyu na dapat sagutin ni Atty. Llasos. Di pa naman nagsimula noon ang kampanya, kaliwa’t kanan na ang ginawang pagpaparamdam ng mga kandidato. Wala raw silang nilabag dahil wala naman daw batas na nagbabawal sa tinatawag na premature campaigning. Kung mailuklok ka sa Senado, paano mo bibigyang pansin?
ML: Una sa lahat, hindi po totoong hindi labag o walang batas na nilalabag. Ang nilalabag po ng ng batas ng premature campaigning ay ang batas ng delicadeza, ang batas po ng good manners at right conduct. Kung ‘yung mga pulitiko ay mayroong pagpapahalaga sa etiketa hindi sila nagpi-premature campaigning. Ang problema po rito ay dahil sa desisyon ng Korte Suprema sa Pineda case na sinasabi na ang kandidato ay nagsisimula maging kandidato kapag siya ay nagsimula nang mangampanya. Ito po ay nagbunga ng kabalintunaan at kasalualan sa ating pulitika. Kabalintunaan sapagkat tila baga winala na ‘yung premature campaign. Eh kung meron tayong campaign period tapos sasabihin na wala nang premature campaign, lahat po ng kandidato hindi pa man po campaign period ay nangangampanya na. Wala pong sentido ang ganitong kaisipan. Pangalawa, sinasalaula po ang ating political process sapagkat kapag marami kang pera puwede kang mangampanya. Papalitan po natin iyan kapag tayo ay naihalal sa Senado.
RISA HONTIVERS (RH): Atty. Marwil, bukod pa po sa election automation at paglilinis sa ating mga voters list, maituturing isang electoral reform itong batas laban sa premature campaigning. Dagdag diyan, ano pa po ang electoral reforms na sa tingin niyo ay dapat nating magawa para mai-modernize o gawing mas demokratiko ang halalan sa ating bansa?
ML: Alam mo iyang premature campaigning kaakibat niyan iyong overspending sa halalan. Talagang dapat limitahan natin ang spending lalo na sa mga political ads sapagkat talagang kawawa rito ‘yung mga walang pera na mga kandidato katulad po natin. Sa tingin ko sa bawat eleksyon dapat patas ang laban, mayaman man o mahirap. Ang kandidato na nanalo sa isyu at hindi dahil sa limpak-limpak na salapi na baka naman ninakaw pa sa kaban ng bayan.
ME: Huling tanong para sa inyo para sa forum natin ngayong gabi. Kayo ba ay talagang kontra-epal? Sigurado ba kayong hindi kayo kasama sa mga epal?
ML: Alam mo, Mike, talagang wala kaming kakayahan na maging epal kaya kami ay tumututol sa epal sapagkat ginagawang napakalaking sementero ang ating bansa. Puno po ng lapida ang Republika ng Pilipinas. This has been made possible by the efforts by congressman and senator so and so. Nakabalandra ang lahat ng pangalan, pinapapangit po ang maganda nating bayan. At higit sa lahat ‘yung kanilang *unintelligible na pagmumukha na hindi katanggap-tanggap ang nakikita ng taong-bayan.
SAMSON ALCANTARA
ME: Atty. Alcantara, ibinalita po namin noong nagsampa po kayo ng kaso laban sa mga survey firms kung tawagin, ‘yung SWS at saka ‘yung Pulse Asia. Ano ‘yung naging basehan doon sa pagsasampa niyo ng reklamo laban sa kanila. Ano ‘yung reaksyon niyo sa kontra-demanda na inihain nila laban sa inyo?
SAMSON ALCANTARA (SA): ‘Yung finile ko kasi, ‘yung sa RTC, Regional Trial Court ng Quezon City, to compel them to give mt the questions to be propounded to the respondents bago nila tanungin. Pero ang katwiran nila iyan daw ay freedom of speech nila. Kung magsurvey nila, kung ano ang itatanong ay wala raw akong pakiaalam bilang kandidato. Sabi ko naman, mayroon akong pakiaalam kasi baka yung mga tanong kulang iyon at baka maapektuhan yung aking candidacy. Magkakaroon ng trending at kawawa naman kaming hindi nagsubscribe sa mga survey na iyan. Ngayon, mayroon siyang counterclaim, mga ako ay pinapasagot at pinapabayad ng more than one million ng SWS. Yun namang isa 200,000 ata. Pero nilalabanan ko ho iyan. Pending po sa RTC ng Quezon City.
ME: Sa pagsasaliksik ng GMA News Research, 6 sa bawat 10 kongresista ay galing sa angkan ng mga pulitiko. Sa pag-aaralan din na iyon, lumalabas na sa 80 lalawigan sa Pilipinas ay may political dynasty. May pag-asa bang maisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill, gayong maraming mambabatas ang kabilang sa political dynasty?
SA: Iyan ho ay very hot issue or the most serious and important issue during the day yung political dynasty. Nasa konstitusyon na iyan pero sampung taon, 10 years ago, wala iyan. Ako lang ang nagsimula niyan sa Korte Suprema. Nag-file ako ng petition to compel the Congress to file the Anti-Dynasty Law pero walang nangyari dahil sabi ng Korte Suprema, separation of powers iyan. Ngayon po, sa tingin ko ngayon, the time must come at na-awaken na ang mga public sa isyu na ito. At makikita natin, siguro sa next Congress kokonti na ang dynasties at kung may natira pa po doon, kakausapin natin iyan at sasabihin puwede ba huwag na masyadong gahaman. Iboto niyo naman ang past anti-dynasty law. Yung ano po, we appeal to their sense of patriotism and respect for the Constitution. Kaya po yung inaasahan ko na the time must come (cut)
KOKO PIMENTEL (KP): Professor Alcantara, kung kayo po ay magiging mambabatas papaano niyo po isusulat yung anti-political dynasty law? Ano po ang definition ng political dynasty? Ano po ang prohibited degree at ano ang mga offices covered ng batas na iyan?
SA: Yung ano po, yung unang-una yung dynasty yung member of the same family whether may consanguinity or whether by affinity. Saka ang proposal ko lang naman diyaan mga within the third civil degree. Saka kung isang posisyan ay nasa isang mambabatas na, halimbawa, ang presidente ng Pilipinas, hindi na puwede na magkakaroon siya ng relative maski saan sa Pilipinas because that will still (cut)
ME: Ito pong batas kung kayo ay magiging senador, ihahain yung panukalang batas, mga hanggang ilang kamag-anak ba? May ganoon po ba kayong iniisip? Mga hanggang ilang mga kamag-anak ba ang puwedeng tatlo? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima?
SA: Baka puwede hong tatlo.
ME: Hanggang tatlo?
SA: Yung anak saka misis puwede pa rin iyon.
ME: Dalawa pa lang po iyon pwera na lang kung dalawa yung misis. Tatlo kanyo? Hanggang anak?
SA: Puwede. That’s liberal.
ME: Kapatid hindi na po puwede?
SA: Oo. Opo.
ME: Sige po. Maraming salamat po, Atty. Alcantara at Senador Koko Pimentel!
BALDOMERO FALCONE
ME: Mr. Falcone, ito po ang tanong. Sa ilang mga panayam, pati noong nakapanayam ko kayo DZBB, inamin niyo na anginyong organisasyon, ang inyong partido, o ang inyong grupo ay kulang, salat po kayo sa pondo. Sa wikang Ingles, financially-challenged. Eh kung ganoon, bakit tinutuloy niyo pa pagpatakbo ninyo?
BALDOMERO FALCONE (BF): Forgive me kung hindi ako masyadong maka-Tagalog kasi Bisaya ako.
ME: Sige lang, Bay.
BF: We are pushing for the Democratic Party of the Philippines because the poor in this country has never been represented. They are always remembered during election time but are conveniently forgotten after election time. Kaya nabuo natin itong DPP o Democratic Party of the Poor because for as long as poverty is worsening in the country the government resources must be focused on eliminating poverty. You notice that there are so many Filipino families living in karitons, pushcarts. So many Filipino families living under bridges. Even in cemeteries. And there are so many Filipino families who are eating only pagpag food. So the Democratic Party of the Poor come to be in order to make government look at the poor.
ME: Naging mitsa ng pagkakatanggal sa puwesto ni dating Chief Justice Renato Corono ang kanyang kuwestiyonable o kaduda-duda na SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Sa kabila niyan, may ilang mga opisyal na kung hindi man isinasapubliko ay hindi nagdedeklara ng tamang assets o ari-arian. Ano ang gagawin mo para mapanagutan ang hindi pagsunod sa alituntunin tungkol sa SALN?
BF: Yung hindi mag-write ng tamang SALN must be punished because government position is a position of trust. Dapat accountable siya. Dapat transparent. At saka kapag hindi siya ganoon, he must forfeit all the assets he did not declare. The government must forfeit and he must be disqualified forever from public office so that talagang seryosohin itong SALN by all high government officials.
SAMSON ALCANTARA (SA): Pero sabi mo kanina ang SALN, Secret Ang Laman Nito kaya ang tanong ko sa inyo, pati ba yung mga mana nitong mga public officer na ito, o kaya yung misis niya kailangan ilagay sa SALN?
BF: Yeah, Secret Ang Laman Nito. I think sa initial pa lang, ilalantad na niya. He must be very transparent and openly disclose because, as I said, a government position is a public trust. And we have to give confidence and credibility in our public officials. We must never lose the confidence of the public and if we hide these things, mawawalan na ng kumpiyansa sa kanila.
ME: Para po sa inyo, dapat po bang gawing sapilitan ang paglalathala o paglaladlad ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno? O dapat karapatan nila, sabi niyo nga secret, sabi ni Atty. Alcantara, ano ang paninindigan niyo tungkol diyan?
BF: They must be forced to do it because, after all, they want to serve the public. They must approach the public with clean hands and if they could not disclose all their assets, all their SALN, then they’re not approaching with clean hands. Dapat they have to approach the public with clean hands because at this point in our history, government must restore the confidence of the people in their government.
RAMON MONTANO
ME: Mayroon pong mga dati, hindi lang basta opisyal, matataas na opisyal ng militar na ngayon ay mga senador. At hindi lang senador, pati pa iba pang puwesto sa gobyerno. Anong meron kaya sa paglilingkod sa gobyerno na nagkaka-interes ang mga militar o mga dating militar katulad ninyo?
RAMON MONTANO (RM): Karamihan sa kanila, hindi naman nag-volunteer iyan eh. They were called to service like us before because, I think, we are the best public servants because we serve only our country and its people. We do not serve the Ayala Corporation or any big business industry or any other sectors of government or society. We just serve our country and our people so we are the best public servants after retirement.
ME: Sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona, napag-alamang mayroon siyang dollar account na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Idinahilan ni Corona sa hindi pagdeklara ang umiiral na batas na itinatawag na secrecy of foreign currency deposits. Anong mga pagbabago ang iyong isusulong sa mga umiiral na batas sa foreign currency deposits?
RM: Alam mo itong bank secrecy law is very absolute except for two instances when it is to be revealed only after a court order, a competent court order on certain cases. However there is another point which we can pore on which is the bank depositor himself can waive, can reveal, can allow his bank deposits to be revealed to everyone. So I think we should require all elected government officials or appointed government officials to waive this right. Before he will be appointed he will see to it, he will sign a waiver that asking any agency to look into his bank account because there is no reason for them to hide their bank deposits.
RICHARD GORDON (RG): General, paano naman po yung mga tinatanong account doon sa ibang bansa? Di ba kaya ginawa yang foreign account deposit law na iyan ay para bumalik iyon at pagkatapos ay binigyan ng seguridad diyan na hindi mabubuksan. Ano naman ang gagawin natin doon?
RM: Well, it is there. However, if you want to be a government official or elected official, if you have a bank deposit outside, you must waive your right to it and have it investigated. What is your reason for hiding it?
RG: Pero hindi po ba dapat ilalagay ito sa SALN?
RM: Dapat. Related nga ito sa SALN.
ME: Mayroon po ba kayong foreign currency deposit? Mayroon ba kayong dolyar sa bangko?
RM: Sorry. Wala akong dolyar.
PANININDIGAN EPISODE 2
Moderator: Mel Tiangco
MIGZ ZUBIRI
MEL TIANGCO (MT): Pinabulaanan na ng dating mag-asawang Koko Pimentel at Jewel na may naging pahayag kayo na battered wife daw kasi dati si Mrs. Pimentel. Siyempre, ito ay itinatwa nila. Eh paninindigan mo pa rin ba ang iyong naging pahayag?
MIGZ ZUBIRI (MZ): Well, humingi na po ako ng paumanhin sa aking pinsan na si Jewel. At sabi ko irerespeto ko po na hindi ko ilalabas ito sa publiko muli. Pero paninindigan ko po na nakipag-meeting siya sa amin at noong mga gabing iyon, siguro harassed na harassed po siya at maninindigan po ako na marami siyang nai-kuwento at hindi lamang ako, kasamahan ko sa Team UNA, si dating Pangulong Estrada, si Toby Tiangco kasama po namin sa iba’t ibang meeting naman po iyon, ay nakipagkuwento rin po siya. Akin, irerespeto ko ang katahimikan ng kanyang pamilya and I wish her well and sana po gumanda po muli ang buhay nila bilang isang pamilya.
MT: Maraming salamat po sa kasagutan ninyo, Mr. Zubiri.
Ang pagkakaroon ng private armed groups ay isang problemang nananatili hanggang ngayon. Paano mo isusulong buwagin ang private armies kung may mga pulitikong meron nito?
MZ: Alam niyo pagdating sa mga batas napakastrikto ko po lalong lalo na sa loose fire arms. Mayroon po akong dalawang panukala na makakatulong sa issue na ito. Unang-una, mayroon po tayong fire arms code kung saan ipinaghihigpit po talaga natin ang ownership ng fire arms at tinatataas po natin ang parusa sa prison * from 6 years to 12 years ‘yung ownership ng illegal fire arms. At meron din po akong panukala ang anti-private armies act kung saan talagang dito nakasalalay ‘yung dapat maintenance, bawal po mag-maintain ng isang private army at dapat buwagin ito. At dito ay nakasalalay din ang tulong ng military at police kasi mayroon din po tayong penalties sa military at police agents sa iba’t ibang region at probinsya. Kapag hindi sila gumalaw at mayroon pong mga politiko na nagdadala ng private army diyan ay dapat parusahan din ang ating PNP at military kasi nangyayari nagbubulugan po sila kapag may mga private armies ang mga pulitiko.
RICHARD PENSON (RP): Migz, alam natin na ang paglaganap ng mga private army ay linked sa political dynasties. Ano ang katayuan mo dito sa isyu ng political dynasties?
MZ: Tama po kayo diyaan, Sir Ric. Number one, ang nangyayari, dahil iilang pamilya lamang ang may hawak sa iba’t ibang probinsya, doon sa probinsya nag-aaway pulitikal ang mga ilang pamilya at hawak po nila ang private armies. So ako’y sumasang-ayon na kung magkaroon ng diskusyon sa Kongreso at sa Senado on anti-dynasty bill, hindi ko po tututulan iyan at suportahan natin para sa ganoon mas maganda ang demokrasya ng ating bansa dito sa local level.
MT: Siyempre, sasabihin ng tao sa inyo na kadugtong din iyan eh sa peace and order situation ng bansa natin, di ba? Sasabihin sa iyo, o kahit mabuwal mo ang political dynasty, paano naman ang peace and order? Paano ang security ko? Paano ang security ng pamilya ko? Ika naman po sa inyo, paano niyo po sasagutin iyon? Dugtong-dugtong eh.
MZ: Opo. Pero ang sinasabi po ni Sir Ric tama po iyon kasi ang nangyayari kapag dalawang pamilya lang ang lumalaban sa isang probinsya at halos 30 taon na silang naglalaban, minsan nagpapatayan na po sila. Maraming probinsya po sa ating bansa ganiyan ang nangyayari so dapat tingnan din natin ang political issue. Ang political ay ang election of our leaders. Dapat magkaroon ng more democratic elections at siyempre ‘yung napakahalaga diyan yung batas. Mayroon po tayong illegal firearms law. Dapat gamitin po natin ang full force of the law para mawala na itong illegal firearms sa buong bansa.
EDDIE VILLANUEVA
MT: Bro. Eddie, nais malaman ng taong-bayan sa tanong na ito ang sagot ninyo. ‘Yung Jesus is Lord Church eh mayroon din sariling paaralan din iyon di po ba? May sariling eskuwelahan? Ngayon po mainit na mainit na usapin tungkol sa tuition fee increase. Ano po ang pananaw niyo diyan lalung lalo na doon sa pagkamatay ng UP student na si Kristel Tejada at sa pagpatuloy na para bang napakahirap na magpaaral ngayon, mga bayarin sa ating paaralan?
EDDIE VILLANUEVA (EV): Bago pa nagpakamatay si Kristel ang Jesus Is Lord Colleges Foundation ng *unintelligible mababa ang present tuition, hanggang ngayon hindi nagtataas. At advocacy ko na kung tayo ay ma-elect na senador, tungkulin ng gobyerno lahat ng bata na anak ng mga pamilyang mababa sa poverty line ang annual income dapat free education, grade one hanggang college. Bakit? Nasa constitution natin na it is the right of the government to provide the right education to our people. So para sa aking paningin ang education ay hindi dapat maging negligent ang gobyerno. Ipatupad ang Millennium, Development Goals. 6% ng GDP ng bawat bansa ay dapat i-allocate sa education pero 2.6%, 2.7 lang ang nagagawa. Bigyan natin ng diin ang kahalagan ng education sa kinabukasan.
MT: Nalagay sa alanganin ang buhay ng 21 Pilipinong sundalong bahagi ng Peacekeeping Force nang sila ay dukutin ng Syrian rebels sa Golan Heights. Bagamat ligtas silang napakawalan matapos ang ilang araw, lumutang ang isyu ng seguridad sa mga ipinapadalang Peacekeepers ng pamahalaan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ano ang inyong pananaw sa kahalagahan ng pagpapadala ng peacekeepers sa ibang bansa?
EV: Ang paninindigan ko po na ang bansang Pilipinas ay dapat mag-comply sa kanyang obligasyon sa United Nations sa kanyang pagpapadala ng mga Peacekeeping Forces dahil din tungkulin ng bawat bansa sa United Nations na magkaroon ng kontribusyon sa paghahanap natin ng world peace. Isa pa, magbibigay ito ng dignidad at karangalan sa lahing Pilipino. Pangatlo, ang OFWs ay hindi iti-treat na parang slaves sa ibang bansa kapag nakita nilang mayroon palang sense of greatness, mayroon palang sense of destiny, mayroon palang sense of, I would say, humanitarian mission ang lahing Pilipino kaya dapat bigyan nila ng dignity ang mga OFWs natin all over the world. Sa madaling salita, siguraduhin lang natin na ang United Nations ay mayroong absolute security and guarantee sa seguridad ng mga ipapadala nating Peacekeepers upang sa ganoon ay mapahalagahan ang buhay ng ating mga kababayan.
MIGZ ZUBIRI (MZ): Ako, ma’am Mel, sumasang-ayon po ako sa posisyon ni Bro. Eddia na dapat talaga responsibilidad natin bilang miyembro ng United Nations na magpadala ng Peacekeeping Force. Pero ano po pa kaya, Bro. Eddie, ang mga safeguards ang magagawa sa tingin mo para hindi malalagay sa delikado ang ating Peacekeeping troops?
EV: Well, unang-una, kinakailangan ang proper preparation ng ating gobyerno importante well-trained ang mga ipapadala sa Peacekeeping Forces. Hindi katulad noong nakaraang panahon, nabalitaan ko political decision. Malaki kasi ang sweldo at kung sino ang malakas sa isang pulitiko, sila ang nasasama sa Peacekeeping Force. Ang dapat absolutely meritorious. At higit sa lahat, ang ating patriotism ay dapat mangibabaw sa mga Peacekeeping Forces. Panahon na na ang seed of patriotism ibalik sa (CUT)
MT: Nabanggit nga po ninyo, Mr. Villanueva, na ito ay naging may politika, nahaluan na iyan ano po? Ano ang magandang paraan para hindi mahaluan pagkat sabi n’yo kanina maganda iyon, maganda, kailangan, isang tungkulin din natin ano bilang miyembro ng United Nations at ng buong mundo di ba? Pero papaano maiiwasan na pasukan nga iyon ng politics sapagkat ginagamit nga ng mga politicians na magrekomenda ng mga pupuntansa abroad, safekeeping forces nga, para mas malaki nga ang sweldo? Papaano ho iyon?
EV: Ang sa akin ho dapat absolutely transparent, accountable ang lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno. Ipasa kaagad natin ang Freedom of Informaiton at walang maililihim sa taong-bayan. At of course, yung pong screening dapat strictly on merits at ang government dapat naka-anchor sa good governance because good governance means good economics and good economics means prosperity of the people.
EDWARD HAGEDORN
MT: Ito ho ang unang tanong ko sa inyo. Bago kayo naging mayor inamin n’yo na kayo ay na-involve sa gambling at illegal logging. Kung saka-sakali ba na kayo ay iboto ng tao at iluklok sa Senado, paano niyo po lalabanan ang gambling at illegal logging?
EDWARD HAGEDORN (EH): Well, unang-unang po, hindi ako illegal gambler ako po yung nagpatakbo ng STL noon sa Puerto Princesa pero noong matumban ng jueteng ang STL, doon na ako nagsabi na “Uy, buti pa ‘tong mga illegal may trabaho, ‘yung mga legal walang trabaho.” so nag-jueteng na rin po kami. Pero I would like to stress here na noong ako ay nanungkulan, itinigil namin ang lahat ng illegal activities sa Puerto Princesa. Unang-una nga po yung jueteng tapos tinanong nga ako ni Secretary Luna paano ba natigil yung jueteng? Sabi ko, sir, itinigil ko kasi ako po yung nagpapajueteng eh. So, ibig-sabihin po noon, lahat ng kaunting kamalian ko binawi ko na noong ako ay maging punong lungsod. Itinigil po namin yung logging operations namin at kami na po ang nanghuli ng illegal logging and that’s because ako po yung kauna-unahang official, mayor na ibinoto ng Puerto Princesa na hindi taga-Puerto. Taga-Paranaque po ako.
MT: Sa ilalim ng oil deregulation law na ipinasa noong 1998, sa halip na kontrolado ng gobyerno, naging kontrolado na ng merkado ang presyo ng langis. Isusulong niyo ba ang pag-amyenda o pananatilihin ang pag-iral ng kasalukuyang batas kapag naiuklok kayo sa Senado?
EH: Definitely isusulong ko po ang pag-amyenda sa batas na ito. Well, I want to be very honest to all of you, hindi ko pa po nababasa talaga ang kabuuan ng batas na iyan. Pero parang simple common sense lang na hindi dapat ipamigay ng pamahalaan ang kanyang kapangyarihan na magkontrol o magsupervise sa mga presyo ng bilihin na magkakaroon ng dahilan upang maging monopoly ng iilan na private market forces. At kapag dumating na ang oras na nasaktan na ang mga mamamayan dahil sa presyo ng bilihing ito at wala na tayong karapatan para kontrolin eh para ho itong isang form of treason. Parang tinraydor natin ang ating mga mamamayan na tayo ang may kapangyarihan para kontrolin pero hindi natin sineryoso iyan at ipinamigay natin ang ating karapatan sa very few private market forces. Para sa akin po ay that is treason.
ERNESTO MACEDA (EM): Ayon sa pag-aaral, marami lang nga ang langis sa Palawan at sa Mindanao, sa area ninyo. Bakit kaya napakahina at napakabagal ng pagdiskubre ng langis para hindi na tayo nag-iimport pa sa ibang bansa?
EH: Well, ang tingin ko naman po ginawa na ng lahat ng pamahalaan ang paraan para mapabilis po ang pagdiscover ng mga langis pero may mga pangyayari gaya noong unang makadiscover sila, nagkaroon ng seep in yung tubig doon sa kanilang pump. At naging dahilan upang isara yung kanilang nadiscover na langis. Ganoon din po ang nangyayari sa ibang lugar sa Puerto Princesa. Hindi pa ho nila nape-perfect siguro yung proseso.
MT: Isusulong niyo po ba yung pagtatanggal na umiiral na VAT 12% VAT sa gasolina?
EH: Opo. Iyan po ay siguradong isusulong natin dahil nga gaya ng sinasabi natin. Actually, kung pupuwede nga magamit yung ating kita sa Malampaya Gas para isubsidize sa ating mga mamamayan, mas gusto pa ho naming isulong yung batas na iyan. And definitely po, iwasan yung pagdagdag ng presyo at pahirap sa ating mga mamamayan.
JV EJERCITO-ESTRADA
MT: Narito ho ang una kong katanungan para sa inyo, Congressman JV Ejercito-Estrada. Kakampi mo ngayon sa iisang partido ang mga dating kalaban ng iyong ama noong siya’y nasa posisyon. Ano ang masasabi mo sa kanila?
JV EJERCITO (JE): Bagamat iba’t ibang partido kami ng pinanggalingan, iba’t ibang grupo, ay isa lamang ang aming hangarin. Nagkasundo kami na ang tunay na bibigyan ng focus ay ang maiangat ang kabuhayan ng ating mga kababayan, mapaganda ang buhay. Ngayon bagamat maganda ang takbo ng ekonomiya ng ating bansa, ako naman bilang Pilipino ay natutuwa na maganda ang takbo ng ating ekonomiya. Ngunit ito ay hindi pa nararamdaman ng ating mga kababayan. Saan man kami magpunta ay ito ang karamihan ng kanilang reklamo na hindi pa nila nararamdaman ang biyaya ng magandang ekonomiya. Kaya kami po bagamat iba’t ibang grupo, ang pinanggalingan ay isang hangarin na makitang guminhawa, gumanda ang buhay ng bataw mamamayan at ordinaryong Juan dela Cruz.
MT: Minsan ng napaulat na ang matataas at maraming bonuses sa ilang ahensiya at opisina ng gobyerno. Paano mo bibigyang pansin ang unequal bonuses sa gobyerno?
JE: Well, totoo iyan. Nakakalungkot isipin na minsan ang ating mga guro ay maliit ang nakukuhang sweldo pero yung bonus nila madalas nadedelay pa. At kapag nalaman mo rin naman na ang ilang ahensiya ng pamahalaan, lalung lalo na yung government owned and controlled corporations ay malalago yung kanilang bonuses, maraming benepisyo, maraming perks kung tinatawag. Ang akin kapag ang mga allowances o bonus ay walang basehang legal, o hindi po legal, ay dapat ihinto. At ang mga hindi makaturangan at garapal na bonuses ay dapat maimbestigahan. Ang para sa akin, ang government owned and controlled corporations ay itinatag upang tulungan na maiangat, madagdagan ang kaban ng bayan at hindi po ito dapat maging gatasan.
RIZALITO DAVID (RD): Simple lamang po aking katanungan kasi yung mga bonuses naman na iyan, naka-base iyan sa Salaries Standardization Law. Papayag ka ba na yung bonuses ay magkaroon din ng standardization?
JE: Sa palagay ko mas maganda kung yung ating mga bonuses ng iba’t ibang ahensya ay halos pantay-pantay, maliban doon sa tinatawag na technical exports na puwede natin i-consider na ito’y investment dahil ibang level po iyon pero kung maaari, mas maganda kung pantay-pantay sana ang bawat empleyado ng kanilang bonus para naman wala pong lamangan.
MT: Kung mas malaki ang kita o savings ng isang ahensya, Congressman JV, dapat ba talaga silang makatanggap ng mas malaking bonus?
JE: Dapat siguro magkaroon ng, katulad ng sinabi ni G. David, na mayroong standard, i-standardize natin. Dapat siguro may bracket, ‘no. Pero ang akin talagang dapat itinayo ang mga government owned and controlled corporations para madagdagan ang kaban ng bayan at hindi talaga po ito dapat na maging palagatasan o kaya mabigyan ng perks ang ilang malalapit sa administrasyon.
CHRISTIAN SENERES
MT: Narito po ang tanong ko, G. Seneres. Minsan kayong naging kinatawan ng Buhay Partylist ng Kongreso pero kalaunan ay tinanggal kayo ng Buhay bilang miyembro. Kumusta ang inyong ugnayan sa Buhay Partylist? Kaya ka ba tumakbo sa Senado dahil inalis ka sa listahan ng grupo?
CHRISTIAN SENERES (CS): Una sa lahat, sino may sabing inalis ako? Hindi po ako inalis. Isa pa, nakadalawang termino po ako doon bilang kinatawan ng sektor ng youth. Kung ikaw po ay kinatawan ng youth dapat ikaw mismo po ay youth. Eh pagkatapos po ng aking pangalawang termino lagpas na po ako sa trenta. Hindi na po ako youth kaya...
MT: Ah, mandatory retirement?
CS: Opo. Yung kasalukuyang kinatawan po ng kabataan ngayon ganoon din yung sitwasyon.
MT: I see.
CS: Nakakadalawang termino lang po kami.
MT: Ah, dalawang termino lamang?
CS: Iyon po ‘yung sabi ng COMELEC eh. Kung dapat ikaw mismo ay member ng sektor na iyong irerepresent.
MT: May mga mungkahing iakyat sa 15% ang kasalukuyang 12% na Extended Value Added Tax o EVAT, samantalang may mga nagsusulong naman na ibalik ito sa 10%. Ano ang iyong pipiliin at susuportahan? Ibalik sa 10%? Itaas sa 15%? O hayaan sa 12% ang E-VAT at bakit?
CS: Kami po iyon sa Democratic Party of the Philippines ang sumusulong na ibalik sa 10% po ang E-VAT. Ang E-VAT po ang nagpapahirap sa mga mahihirap po. Napakabigat na ng buwis na binabayaran ng taong-bayan. Kakapasa lang ng Sin Tax ngayon minumungkahi naman nila Soft Drink Tax. Napakadami na ng pera...
MT: Eh kailangan daw ng gobyerno ng pera eh? Paano iyon?
CS: Halos 3-T na po ang budget ng pamahalaan. Hindi naman umabot sa ganoon ang kasulukuyang administrasyon. Isa pa, sabi ng Open Budget Index, bumagsak ang Pilipinas sa transparency. Hindi alam ng taong-bayan kung saan napupunta ang perang nakokolekta sa buwis at kaya ang aming paninindigan at aming ipinaglalaban, babaan ang buwis.
MITOS MAGSAYSAY (MM): Ano ang masasabi mo na gusto ng pamahalaan na buwisan ang lahat ng bagay pero alam naman natin na napakalaki ng tax leakage ng ating gobyerno, according to the IMF World Bank ay 90.6/19.6-B na ang tax leakage under the Aquino administration due to corruption? So, sang-ayon ka ba na dapat *gandahan na lang ang collection?
CS: Ang aking paninindigan po rito ay ipaalam sa taong-bayan kung saan napupunta ang *balsa. Nabanggit niyo po World Bank, may isa pang sinabi ang World Bank, Pilipinas lamang ang may pork barrel ang pangulo. Abuso po iyon. Mga mambabatas lamang ang may karapatan magsabi kung saan dapat ilaan ang buwis na nakokolekta kaya sa palagay ko ay hindi lang dapat po ang mga ihalal na mga senador ay hindi kaalyado ng pangulo. At hindi rin po kami sumasang-ayon na taasan pa nila ang buwis.
MT: Kung naman pong magsusulong ka ng mga pagbabago sa umiiral na E-VAT law eh ano namang pagbabago po ang inyong ipapanukala at bakit?
CS: We want to simplify the tax collection system po rito maliban sa babaan sa 10%. Kami po iyon, yung nagsasabing gawing 10% eh i-simplify po. Masyado pong komplikado. Nadi-discourage po ang mga negosyante sa pagsimula ng entrepreneurship dahil po ang hirap hirap...
MT: Ano po ang komplikado? Give me some specifics.
CS: Bago ka po magsimula ng negosyo ang dami daming kailangan bayaran. Ang dami daming kailangan i-bribe tapos yung mga nagtatrabaho naman po sa mga kumpanya higit pa sa kalahati ang kinakaltas sa kanilang sahod. Iyon po ang babaguhin namin kapag natuloy sa Senado.
MITOS MAGSAYSAY
MT: Congresswoman Magsaysay, unang katanungan ko po para sa iyo ngayong gabi: Bakit ninyo tinawag na Team Malaysia ang Team PNoy?
MITOS MAGSAYSAY (MM): Eh kasi ho nooong unang lumabas itong isyu ng Sabah nakita ko po na imbis na kinampihan po ng Aquino administration yung mga kababayan nating mga Pilipino parang they just followed and told the Malaysian line lalo na yung mga unang labas ng balita na galing po sa isyu ng Sabah. Kaya para sa akin po it’s a matter of are they protecting the Malaysian interest or are they protecting the Filipino interest as far as the Sabah issue is concerned kasi yung unang labas po ng spokesperson pinagalitan nila yung mga Pilipinong pumunta doon at kakasuhan daw nila imbis na dapat ang inasikaso na lang nila doon ay ano ba ang dapat nating gawin para maproteksyunan ang interest at kapakanan ng mga kababayan natin sa Sabah. Yung 800,000 Filipinos doon. Yung 10 Filipinong namatay sa Sabah. Imbis na iyon po ang inasikaso eh nangangampanya pa po yung pangulo natin sa Pampanga that time at iba po yung naging tact nila at approach nila in addressing the issue of Sabah rather than getting mad at our citizens dapat at least pinroteksyunan muna yung interes ng mga Pilipino.
MT: Kamakailan mismong Commission on Audit ang nagbulgar ng pagbibigay ng pondo mula pork barrel sa isang non-existent, non-government organization o NGO. Ano ang iyong naiisip na paraan para masigurong mapupunta sa tama at totoo ang pork barrel?
MM: Unang-una, alam ko po ipinagbabawal na ang magbigay ng pork barrel sa mga foundation at NGO kasi naging isyu na dati iyan na nalaman nila na yung mga foundations pala iyon ang taguan ng pera ng ibang mga elected officials na hindi na nao-audit. Kaya ho ako, in my 9 years as congresswomen, I have never given to any foundation or any NGO yung aking pork barrel at idinadaan ko po sa tamang ahensiya ng pamahalaan whether it’s an agency po or local government unit para madaling i-audit ng Commission on Audit lahat po ng pondo at pork barrel na natatanggap ko galing po sa administrasyon. Pangalawa, dapat siguro yung mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasi sila naman yung nagi-implement ng mga projects at programs namin. Dapat they should exercise due diligence already kung kanino nila ibinigay yung aming pondo kasi we can only identify the project but we cannot really dictate how they’re going to implement it as far as the agencies are concerned. So kung DA po iyan, dapat po yung DA ang managot kung saan, bakit nila ibinigay sa non-existent agency.
TEDDY CASINO (TC): Congresswoman, kayo po ay napabalitang pumoposisyon laban sa pork barrel pero noong nakaraan sa Kongreso, nandoon ako mismo sa budget hearings, nakita ko po kayong umiyak noong sinabi ni Butch Abad na hindi ire-release ang inyong pork barrel. Paano ninyo ire-reconcile ang position niyo na against sa pork barrel pero parang nagmamakaawa kayo na i-release?
MM: Actually, ako po ay umiyak noong budget hearing it’s not because wala akong pork barrel, it’s more nakita ko yung impact noon sa constituents ko noong sinabi ko sa kanila na hindi ko na sila puwedeng paaralin ng second semester dahil hindi po nire-release yung pork barrel ng distrito. Before that kasi po galing sa pork barrel yung scholarship fund na nakukuha ng mga kababayan ko na dinederecho sa state universities. Eh para sa akin naman po, kung talagang, if I only had my way, mas magandang wala na yung pork barrel para yung mga tatakbo po sa senador o congressman (CUT)
MT: Pero congresswoman hindi po ba ang trabaho ninyo ay kayo’y gumawa ng batas at wala namang kinalaman kung tutuusin, ano po, sa mga proyektong nabanggit ninyo. Paano niyo po sasagutin iyon?
MM: Well, actually, yun na nga po ang naging parang deviant sa ating pork barrel system. Ang pangunahing trabaho ng legislative branch of government is to make laws, pass laws, amend laws, and repeal laws. Dahil nagkaroon ng pork barrel, nagmukhang parang quasi-executive yung function namin because of the pork barrel. Pero if I had my way po, mas maganda siguro na, kung sakali, kung under the law may pork barrel pa rin ang senador at congressman, gawin na lang nating line-item budgeting, pati lahat ng ahensiya ng pamahalaan para maging transparent po talaga tayo kung saan inilalaan ang pondo at pera ng bayan.
ERNESTO MACEDA
MT: Kayo daw ang pinakamatandang senatorial candidate at present, sabihin ko ba yung edad o huwag na lang?
ERNESTO MACEDA (EM): 78 po.
MT: At dahil daw sa edad sinasabing mas madali nang mapagod. May mga bagay na ika na hindi kakayanin pang gawin. Bakit kayo ang dapat iboto kumpara sa mga mas nakababata sa inyo?
EM: Well, limang probinsya po ang pinanggalingan namin sa Mindanao, limang araw sunod-sunod. Hindi ho ako napagod. Pangalawa, nandiyan si Senate President Enrile who is 11 years older than me. Kita naman ninyo, hindi napapagod at siya ang pinakamagaling na performance. At sa US Senate kalahati ng mga senador ay over 70. Mas matanda po, may pasensya, may katalinuhan, may experience na makakapaglingkod.
MT: P164-B na ang halagang nabawi pero mahigit 60% ang hindi pa nababawi ng Presidential Commission on Good Governanment o PCGG sa sinasabing ill-gotten wealth ng mga Marcos. Sa tagal ng panahon, ano ang inyong mungkahi para ito ay maresolba?
EM: 25 years na po iyang PCGG gaya ng sinabi ng tanong 60% ang hindi nababawi dahil sa korapsyon, naging pugad ng korapsyon. Kaya panahon na po na i-abolish ang PCGG at ilipat ang responsibilidad ng pangkoleksyon ng illegal wealth sa Department of Justice.
EH: Pagbalik niyo po sa Senado anong batas ang naiisip niyo pong ipasa para maiwasan na itong mga ill-gotten wealth na ito?
EM: Well, kailangan po ay hindi bagong batas eh kundi implementation ng mga batas---anti-graft law at yung mga ibang batas pa. Kailangan bantayan ang presidente, bantayan ang gabinete nang kanilang ipatupad yung mga batas, bantayan nila yung mga tao nila dahil hanggang sa ngayon ay nandiyaan pa ang korapsyon lalo na sa Bureau of Customs.
MT: Pabor ba kayo na si dating pangulong Marcos ay bigyan ng Hero’s Burial ‘pagkat iyan ang gusto ng pamilya eh. Ililibing lang daw nila kung bibigyan ng Hero’s Burial. Eh may mga sumasalungat naman. Ano ho sa inyo?
EM: Yes, pabor ako dahil ayon sa batas as a former president and as a former military officer, he is entitled to be buried sa Libingan ng mga Bayani. Saka tapos na iyon eh. Biro mo 1965 pa hanggang 1969 hanggang 19 whatever it is, 86. Eh dapat tapusin na lang natin yung isyu.
MT: Ah, tapusin na lang? Payagan na?
EM: Payagan na.
RICHARD PENSON
MT: Tama po ba yung mga nababalitaan tungkol sa inyo na kayo ay 5 beses ikinasal, 4 na beses nakapag-divorce, at 1 beses nagpa-annul? Eh baka hindi raw kayo maging committed sa trabaho kung ganiyan ang inyong naging love life?
RICHARD PENSON (RP): Unang-una, mali. Hindi lima. Tumira ako sa Amerika ng 12 taon sapagkat naisyuhan ako rito ng warrant of arrest ng dikdatura kaya kami ay pumunta sa Amerika. Nagkaroon po ako ng 2 asawa, divorced ako doon. Nagkaroon ako ng 1 dito sa Pilipinas hindi po nagtagal ito, na-annul po iyon. Mayroon po akong anak sa isang Australiyana. Ang anak ko po ay 11 years-old. Hindi totoong lima. Siguro hindi ako swerte sa ibang bagay pero lapitin siguro ako sa ganitong mga layunin ng puso.
MT: Eh ang tanong po baka hindi po kayo maging committed? Ano po ang sagot?
RP: Hindi. Ang commitment ko po ay sa bayan kaya aktibista ako noong panahon pa ng aking (CUT)
MT: Base sa mga dokumento, bilyon-bilyon ang investments ng Simbahan sa iba’t ibang korporasyon sa bansa. Dapat bang patawan ng buwis ang mga pagmamay-ari ng simbahan?
RP: Well, yung unang sanga ng katanungan ay tungkol sa investments siguro yung investments, it’s already tax-outsourced. Hindi na problema iyon. Yung sa katanungan naman kung dapat nating lagyan ng buwis ang Simbahan, doon sa mga properties or assets nito na hindi naman productive dapat siguro iyon covered na rin ng gaya ng ibang mga properties. Pero doon sa mga salapi na ginagamit nila sa pagtulong sa ating mga kabababayan, hindi ito dapat tinataxan dahil mayroon tayong separation of church and state. Para mo magawa ito, hindi kaya ng estado na hingan ng financial statement ang simbahan nang hindi natin nagagalaw ang ating Saligang Batas. So kailangan siguro ito’y pag-aralan nang mabuti.
JV EJERCITO (JE): Gaya nang inyong nabanggit may mga ilang institusyon na pagmamay-ari ng simbahan ang may commercial value o kumikita. Halimbawa, ang mga paaralan. Dapat ba itong masingil ng buwis?
RP: Hindi siguro. Gaya na nga ng sinabi ko, ito ay pag-aari ng simabahan at registered church ito siguro hindi dapat, dahil dito rin sila kinukuha at ginagamit naman yung kinikita or kung mayroon mang kinikita sa eskwelahan, ginagamit nila ito sa kanilang charity operations. Hangga’t hindi nagagampanan ng ating sambayanan, ng pamahalaan ang ginagawa ng simbahan dapat siguro status quo muna tayo rito.
MT: Eh kung halimbawa po, Mr. Pengson, ay lumapit sa inyo, kayo ay naihalal na, lumapit sa inyo ang simbahan, nakiusap, sinabing huwag nang patawan ng buwis o huwag nang pag-aralan iyan, status quo ika nga po. Ano po ang gagawin ninyo?
RP: Ay, hindi. Kung ako ay maihalal, collegial body ang Senado, kinaka..at sinabing kailangan pag-aralan, kailangan talagang pag-aralan. Sinabi ko na rito, kakailanganing pag-aralan natin iyan dahil malaking pera ang pinag-uusapan natin dito at malaki rin ang pangangailangan ng ating bansa.
JC DELOS REYES
MT: Isa sa plataporma na iyong isinusulong yung political dynasties, ano po? Eh Gordon din pala kayo eh. Di po ba yung ano magkasalungat, sir?
JC DELOS REYES (JR): Gordon ho ako. Mahal ko po ang aking pamilya pero mas mahal ko po ang sambayanang Pilipino. Mahal na mahal ko po ang aking bayan. 1995 pa po tayo nakikibaka. Reporma sa pamahalaan. Itinatag ko po, isa po ako sa mga nag-organisa sa Ang Kapatiran Party, isang anti-political dynasty party. At natural po na may hidwaan sa pamilya at nakalagay po sa bibliya iyan. Nakalagay na “If you think I came to bring peace, you are wrong. I came to bring division to pit father against son, mother against daughter.” So kung talagang maninindigan tayo kailangan pati yung pamilya panindigan natin. Kung may mali, talagang magsalita tayo dahil mahal natin ang nakararaming naghihirap na naghihirap na sa ating bayan.
MT: Ang Freedom of Information Bill ay panukalang naglalayon na gawing mas bukas ang pagsasapubliko ng records at transactions sa gobyerno. Mahigit 20 taon na itong nakabinbin sa Kongreso. Anong mga probisyon dito ka pabor at hindi pabor?
JR: Nakakahiya po sa ating mga kababayan. 27 years na ang ating Constitution, maraming non-self-executive provisions po iyan. Ibig-sabihin po, maraming hindi naisabatas. Marami po, hindi po, marami po tayong mga provision na hindi, nagkaroon ng implementing rules. Yun sa mga land reforms po, dynasty, isa po ito yung FOI. Naipasa po sa Senado. Hindi po naipasa sa House of Representatives. Nakakahiya po sa mga kababayan natin. Isa po iyan sa mga pangako ni Presidente Aquino. At maganda po diyan, sa Senado yung version ng Senado, pinag-usapan po iyan, napagdebatihan at maganda po iyan. Yung sa house po yung Right of Reply, hindi po maganda pero ang pinag-uusapan po natin ngayon ay yung political will na lang at kung kami po ay nahalal, Ang Kapatiran Party, siguradong-sigurado, ipaglalaban po natin iyan.
TINGTING COJUANGCO (TC): Yung FOI actually is the Freedom of Information, di ba? So ano yung mga national security information na ayaw mo na malaman ng mga iba?
JR: Yun po yung exception sa batas, yung national security issues which naiintindihan naman po natin na dapat maging exemption. Kung may mga bagay na mapapanganib ang ating bayan, of course, hindi po dapat ng executive na isiwalat iyan. Ngunit pagdating po sa mga tinatago sa local government, yung mga, kasi sila-sila lang yung nakakaalam, kailangan isiwalat sa taong-bayan po.
MT: Kung ganoon po ang pananaw ninyo at sobrang tagal na at ito ay talagang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan, eh bakit ho kaya? Ano ba ang nangyayari sa gobyerno? Ano ba ang nangyayari sa ating mga mambabatas na hindi maipasa-pasa? Bakit ho kaya, sa inyong pag-aaral?
JR: Palagay ko po, Congress, generally, the Senate, the House na lang kasi ipinasa rin po nila---marami ring issues na hindi nila isinisiwalat ang maraming bagay diyan---has become an Old Boys Club. Sila-sila na lang ang nag-uusap. At nagkaroon po ng smooth interpersonal relationships. Kapag ako po ay nahalal, I would sign an affidavit of undertaking na hindi ko po gagalawin yung pork barrel at ano po, isisiwalat ko po lahat ng pag-aari ko, pati ng asawa ko. I would waive my right.
TEDDY CASINO
MT: Minsan kayong nagkasagutan ng palasyo dahil po ito sa naging komento ng pangulo na tungkol sa hindi raw maganda ang inyong standing sa survey. Kayo daw ay galing sa leftist community ang inyong kinabibilangan. Ang naging sagot n’yo sa pangulo ay ganito, sabi ninyo kung kayo daw ay nagkaroon ng amang si Ninoy Aquino at inang si Cory Aquino, “you’d be in the shoes of the President.” Kayo na ang magiging pangulo. Pakipaliwanag nga ho ninyo.
TEDDY CASINO (TC): Iyan po ang isang katotohanan sa ating politika dito sa ating bansa. Yung political dynasties na ang mga tanyag na pampulitikang pamilya o mga political clans at families, sila talaga yung nangunguna sa mga surveys. Sila yung may hawak ng puder. In fact, yung isang pag-aaral ng UP, 178 families lamang ang may kontrol sa halos lahat ng posisyon sa ating pamahalaan. Kaya nga napakahalaga yung pagpasa ng isang batas laban sa political dynasty at importanteng maging pantay ang pagkakataon ng bawat isa sa atin na makapaglingkod sa ating bayan. Iyan din po ang pangunahing dahilan kung bakit nga po tayo tumatakbo, para magkaroon po ng iba naman. Para magkaroon naman ng boses ang pangkaraniwang tao sa Senado.
MT: Isang estudyante ng University of the Philippines-Manila ang nagpakamatay dahil umano sa kawalan ng kakayahang makapagbayad ng matrikula. Maraming iba pa ang hindi pa nakakatungtong ng kolehiyo dahil sa kahirapan. Paano mo ilalarawan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Isa nga ba itong karapatan o pribilehiyo? Paano niyo naiisip tugunan ang problema na makapag-aral ang salat sa buhay?
TC: Sa ilalim po ng ating Constitution, Article 14 Section 1, ang edukasyon po ay isang karapatan at obligasyon ng estado na i-provide ang accessible and quality sa ating mga kabataan pero hindi po iyon nangyayari iyan. Sa katunayan, naging pribilehiyo na po ang edukasyon. Out of 19.6-M Filipinos na puwedeng pumasok sa mga tertiary institutions ay halos 2-M lang ang nakakapag-aral. At napakaliit na bilang iyan ng naseserbisyuhan ng ating gobyerno. 110 state colleges at universities lang. Ang isang solusyon po rito talaga ay dagdagan natin ang budget ng ating state universities and colleges. Ang pangunahing sa *unintelligible ay 16.7-B ang kailangan idagdag sa 110 state colleges and universities. Kailangan din pong dagdagan ang bilang ng mga paaralan. Pangalawa, kailangan pong i-review, comprehensive review ng ating mga scholarships systems dahil sa dami pong klase ng mga scholars ay marami naman diyan ay hindi naman talagang nakakatulong. At pangatlo po yung admissions policy ng ating state colleges at universities. Kailangan nakakiling para sa mga mahihirap.
JC DELOS REYES (JR): Congressman Teddy, sa palagay n’yo ba talagang pugad na ng elitista yung state colleges like University of the Philippines?
TC: Ang nakakalungkot talaga diyan, JC, is that ang UP ay naging unibersidad na rin ng mga elitista. Ang pangunahing nakikita kong dahilan diyan ay yung dahil sa socialized tuition fee system na ipinatupad kung saan dahil kailangan kumita ng unibersidad dahil sa liit nga ng budget ay gumawa sila ng scheme para magbayad ang mga estudyante. At malaking bilang ng nga estudyante, kailangan nagbabayad kaya nagmahal ang tuition kaya puro mayayaman halos ang nakakapasok sa UP.
MT: Nababahagingan ko ba sa inyong mga sagot na kung maaari, na kung kayo ay maluklok, maaaring gawin na ang mga state universities ang kanilang bibigyan ng priority sa pagtanggap ay pawang mga mahihirap?
TC: Yes. Tingin ko dapat ganoon. Dahil kung talagang ang paniniwala natin ay ang edukasyon ang siyang passport sa pag-angat sa kahirapan eh dapat at least 70% ng mga estudyante sa mga state colleges and universities ay galing din sa mahihirap. At kailangan din ng isang sistemang makatarungan para maisagawa iyan. At sa ngayon ay walang ganyang sistema and we can probably legislate that such system na mas mabibigyan ng pabor ang mahihirap kasya sa mga mayayaman sa ating mga state colleges and universities.
TINGTING COJUANGCO
MT: Ang isyung dapat bigyan ninyo ng linaw ngayong gabi: nagkaroon kayo ng pahayag noon na hindi sapat ang mga ginagawa ng inyong pamangkin bilang pangulo? Ano po ang mga ginawa niya na sa tingin niyo ay hindi sapat?
TINGTING COJUANGCO (TC): Alam n’yo, yung pamilya laging una at we will always support Noynoy. Kung sakaling mayroon siyang ginawa na mali ay yung walang elections sa ARMM. Because I was hoping there would be elections in ARMM sapagkat maganda hong makita na yung isang Kristiyano ay isang partner ng Muslim so that it would give confidence to the Christians and to the Lumads that there was Christian woman who is going to partner together with a Muslim. Maganda ho tignan but he cancelled it instead. But I believe that the Muslims should have been allowed to vote and not be told kung sino ang dapat tatakbo. Ngunit sana maintindihan naman ni Noynoy na I’m his auntie and that I’m older and from the historical perspective of a Masters and Doctorate in Philippine history (CUT)
MT: Ang malakin bahagi ng pondo ng gobyerno ay napupunta sa bayad-utang dahil sa automatic debt appropriation. Sa Kongreso, ilang panukala ang isinusulong upang ipawalang-bisa ito. Ano ang inyong posisyon sa isyu?
TC: Dapat talaga may automatic debt appropriations sapagkat maganda naman ang ating reputation na we pay on time. Dapat ho ganyan sapagkat kung may kailangan pa nating manghiram ng pera, they will believe us. During Cory’s time, 50% of the GEDP* was made to pay for the debts. Now, in 2010, only 31%. But we still have to pay because it’s an obligation to other countries. So ayan ang importante so we can keep our social standing, financial standing na puwedeng maghiram ulit.
CHRISTIAN SENERES (CS): Unang una po, yung dating Pangulong Cory Aquino si Tita Winnie Monsod po nagkaroon ng mungkahi na magkaroon muna tayo ng debt moratorium, yung panahong iyon. Ano po ang inyong pananaw? Sang-ayon po ba kayo? At ano po ba ang naging epekto sana nito?
TC: Ah sa bagay hindi po dapat may debt moratorium kasi tataas yung principal and then we would have to pay more in the end of the many years. What we should do is to encourage investors to come and maybe the PPP should be put into effect faster in order to get more revenues.
MT: Sa ngayon po, Mrs. Cojuancgo, nasa P5.2 -T ang panlabas na utang ng bansa. Sa kabila nito, may ilang pagkakataon na tayo naman ang nagpautang eh. Di po ba? Ngayon narito ang tanong. Pabor ba kayo sa pagpapautang ng Pilipinas sa ibang bansa gayong napakalaki ng ating sariling utang?
TC: Mahirap po iyon eh na nagpautang pa tayo sa ibang bansa. Ngayon hindi ko ho alam kung anong interes ang babayaran sa Pilipinas dapat makali ho naman para at least yung what we lent to to other countries can come back to us for our own deeds, especially in times of environmental change, typhoons, and whatever our victims have been subjected to. And especially now education and peace and order po.
RIZALITO DAVID
MT: Sa isang forum sa UP, sinabi ninyo na ang Reproductive Health Law ay naipasa because of intimidation. Paliwanag niya ninyo kung ano ang ibig sabihin n’yo diyan?
RIZALITO DAVID (RD): ‘Yung RH Law ay naipasa sa pamamagitan ng pananakot at bribery. Malinaw na malinaw pong nangyari iyon. Apat po sa miyembro ng gabinete ng pangulo ay naroroon noong panahon na nagbobotohan ang mga kongresista hinggil diyan sa RH Bill. Marami po doon sa aming mga kaibigan na kongresista ang nagsabi na kung hindi sila boboto ng YES, ang kanilang pork barrel ay hindi ire-release. Ngayon kung hindi naman nila kayang palitan ang kanilang boto na NO ay huwag na silang pumasok para ‘yung kanilang pork barrel ay mailabas. Kaya po sinasabi namin na ‘yang RH Law na iyan ay born out of intimidation and bribery and therefore, it is an illegal law.
MT: Kung isinulong at pinahihintulutan na ang same-sex marriage sa ibang bansa, ano ang iyong paniniwala rito? Maglalakas-loob ka bang maghain ng panukala para gawing legal ang same-sex marriage sa Pilipinas?
RD: Ang same-sex marriage po ay labag sa natural law. Itinatag po ng lipunan ang kasal sa pagitan ng babae at lalaki, at ito ay bukas sa pagkakaroon ng anak. Ang lipunan ay umiinog sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga bagong miyembro. Kaya kung magkakaroon po ng same-sex marriage, magkakaroon ng paghinto sa panganganak ng mga tao na siya rin namang kikitil sa lipunan. Kaya po ang aming pangunahing isinusulong ay huwag maging legal ang same-sex marriage dahil iyan ang pangunahing kikitil sa buhay ng ating lipunan.
EDDIE VILLANUEVA (EV): Kung kayo po ay maihalal na Senador, ano po ang inyong solusyon sa mga batas na maganda, dapat pakinabangan ng taong-bayan pero hindi napapakinabangan dahil hindi napapatupad katulad ng Anti-Red Tape Law, principally sponsored ng CIBAC party list laban sa korapsyon, hindi napapatupad? Ano ang inyong solusyon?
RD: Dapat pong paigtingin ang pagi-implementa ng mga bagay na ito at yung isa sa pinakamahalagang role ng senador ay yung oversight functions niya. Kailangan nating pilitin ang executive department na ipairal ang lahat ng batas at hindi lamang maging selective doon sa kung ano dapat at hindi dapat ipairal.
MT: Sa Pilipinas kung saan mahigit 80% porsyento ng mga Pilipino ay Katoliko at ang Simbahang Katolika ay mariing na tumututol nga diyaan sa usapin ng same-sex marriage. Paano ito makaaapekto sa inyong pananaw sa isyu?
RD: Ako po ay pangunahing isang Katoliko, na isang Kristiyano na magiging senador. Nais ko pong makita, maisulat sa bawat batas, sa bawat polisiya, sa bawat programa at proyekto na gagawin ng ating pamahalaan ang aking Christian values. ‘Yun po ang aking paninindigan. Unang-una ako ay Kristiyano bago ako maging senador.