ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Anak ng Bayan: Primer para sa 'Katipunan'


Anak ng Bayan: The Katipunan Primer
Ngayong Sabado, Ika-12 ng Oktubre, 10:15 ng gabi sa GMA-7


Gaganap bilang Gregoria de Jesus, ang kinikilalang "Lakambini ng Katipunan" si Kapuso actress Glaiza de Castro. Si Jill Palencia naman ay si Juanita, ang pinakamatalik na kaibigan ni Oriang. Ilalahad din ng docudrama ang pagliligawan nila ng Supremong si Andres Bonifacio.
Gagampanan ni Benjamin Alves ang karakter ni Sebastian, isang batang sakristan na makikilala ni Andres Bonifacio. Ano ang kanyang magiging papel sa pagsulong ng Katipunan?

Bukod sa tulang pambata na nagsasabing siya ay “atapang a tao,” ano ang alam at hindi alam ng mga Pilipino sa Supremo ng Katipunan?
 
Ang karaniwang alam ng mga tao kay Bonifacio ay siya’y lumaking mahirap. Batay rin sa kanyang mga monumento, laging mainit ang kanyang ulo. Kulang din daw siya ng kapinuhan sa loob at labas ng digmaan.
 
Ang mga bagay na ito ang liliwanagin ng GMA News and Public Affairs sa historical docudrama series nito tungkol sa Katipunan.  
 
Magsisimula ang series sa isang primer na kinatatampukan ng isang social experiment. Isang nakabihis Bonifacio ang iikot sa Metro Manila. Makilala kaya siya ng mga makakapansin sa kanya?
 
Sa makasaysayang bayan ng Taal sa Batangas kinunan ang ilan sa mga eksena ng Katipunan. Bakas ang engrandeng production value ng historical docudrama na ito maging sa kasuotan ng mga gaganap sa produksyon.
Ineensayo ng tubong-Espanyang aktor na si Kuya Manzano ang kanyang mga linya bilang teniente ng guardia civil sa tulong ng direktor ng 'Katipunan' na si King Marc Baco.
Sisilipin din ng primer ang mga eksena sa likod ng pagganap nina Sid Lucero at Glaiza de Castro bilang Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus.
 
Ang Anak ng Bayan: The Katipunan Primer ay mapapanood ngayong Oktubre 12, 10:15 PM sa GMA-7.