ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
The Virus: 'Sa Puso ni Dok' Episode 5
SA PUSO NI DOK - EPISODE 5
“THE VIRUS”
September 21, 2014
May MERS na sa Melchora Gen!
Si Doc Gab (Bela Padilla) ay tila nahawa sa pasyenteng pinaghihinalaang may MERS o Middle East Respiratory Syndrome matapos niya itong maeksamin. Labis ang pag-aalala ni Doc Dennis para sa dalaga.


Kasabay ng pagkalat ng corona virus sa katawan ni Dok Gab, ay ang tila pag-atake naman ng love virus sa kanilang buhay pag-ibig.
Mas lalong iigting ang selos na nararamdaman ni Karla (Stephanie Sol) hanggang sa di na niya mapigilang komprontahin si Doc Dennis.


At mauuwi naman sa suntukan sina Doc Dennis at Joemar (Aj Dee).
Mauudlot ang pagtatapat ng tunay na nararamdaman si Doc Dennis para kay Doc Gab, nang madiskubre ni Doc Gab na may korapsyon na nagaganap sa Melchora Gen, at isa si Doc Dennis sa mga sangkot dito. Pero bago makapagpaliwanag si Doc Dennis, tuluyan nang manghihina si Doc Gab.


Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa ikalimang bahagi ng Sa Puso ni Dok, ngayong linggo, 9:30 PM, pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho!
More Videos
Most Popular