ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Asawang may sakit sa katinuan, tampok sa 'Karelasyon'
_2015_09_17_14_56_02.jpg)
Nagsimulang textmates sina Elmer at Mildred. Noong umpisa, walang intensyon ang dalaga na seryosohin ang binata pero hindi nagtagal ay nahulog na rin ang loob niya rito. Takot si Mildred na tumandang mag-isa kaya hindi na nito pinalampas ang pagkakataong magkaroon ng kasintahan.
_2015_09_17_14_58_43.jpg)
Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa pero habang lumalaki ang tiyan ni Mildred, unti-unti niya namang nasisilip ang nakakubling bahagi ng pagkatao ni Elmer. Ang hindi alam ni Mildred, may problema sa katinuan ang kanyang kinakasama, dulot ng depresyon mula sa masalimuot na kabataan.

At kapag nagseselos si Elmer ay bumabalik ang sumpong nito-- nagiging bayolente at tila nawawala sa sarili. Ano ang gagawin ng nagdadalang taong si Melinda kapag nasaksihan na niya ang tunay na kulay ni Elmer?

Si Elmer pa kaya ang maglalagay sa sariling asawa at magiging anak sa nakakatakot na peligro?
_2015_09_17_14_57_47.jpg)
Ito ang mga dapat abangan sa isa na namang kontrobersyal na kuwentong ihahatid ng Karelasyon! Tampok sina Louise delos Reyes at Sid Lucero. Sa panulat at direksyon ni Michael Christian Cardoz, at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, tutok na sa GMA ngayong Sabado, September 19, 2:30 PM pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular