ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mapang-akit na sirena, tampok sa 'Karelasyon'

 


 


Handog ng "Karelasyon" ngayong buwan ng Halloween ang mga kuwento ng relasyong dumaan sa pagsubok nang dahil sa mga hindi maipaliwanag na misteryo, kababalaghan, kahiwagaan o katatakutan.

Ngayong darating na Sabado, tunghayan ang kuwento ng magkasintahang sina Mildred at Nando na nagkaron ng relasyong hindi lang pamilya nila ang kumontra kundi pati na rin ng isa umanong sumpa.

Ayon sa mga nakatatanda sa kanilang munting komunidad, tuwing lumilipas ang ilang taon, buhay ng binatang mangingisda ang nagiging kapalit ng masaganang biyayang ibinibigay sa kanila ng karagatan.

At sa pagbabalik ng pinangangambahan nilang sumpa, buhay ni Nando ang tila nais nitong kunin.

Ano ang gagawin ni Nando at Mildred para labanan ang pagsubok na ito? Kung sila ay magpapakasal kontra man sa nais ng magulang ni Mildred, magiging normal at payapa na kaya ang lahat? Tunghayan kung paano susubukang lagpasan ng magkasintahang sina Nando at Mildred ang hindi pangkaraniwang pagsubok sa kanilang ipinaglalabang pagmamahalan.

Tampok sina Ruru Madrid at Joyce Ching, kasama sina Pekto Nacua, Ms. Anita Linda at Solenn Heussaff sa isang espesyal na pagganap, ihahatid na ang naiibang kwentong ito ng "Karelasyon" ni Ms. Carla Abellana ngayong October 10! Tutok na sa GMA ngayong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Tags: prstory