ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Relasyong huhusgahan base sa pisikal na anyo, tampok sa 'Karelasyon'

 

 


 

May kasabihang “Beauty is in the eye of the beholder." Iba-iba nga naman ang tingin at panlasa ng tao pagdating sa kagandahan. Pero paano kung ang taong maganda para sa atin ay huhusgahan at lalaitin ng napakaraming tao? Paano natin sila ipaglalaban?

Ang nagkakasundong personalidad nina RJ (Lucho Ayala) Twinkle (Divine) ang naging dahilan kaya silang dalawa ay nag-click. Mahalaga ang pisikal na katangian pero patutunayan ni RJ na hindi ito ang pinakamahalaga sa lahat.

Si Twinkle naman, batid na siya’y hindi “kagandahan” pero dahil alam niyang siya’y matalino at maraming kakayahan, tinanggap at minahal niya ang kaniyang sarili nang buong-buo at hindi naisip kailan man na ang pagkakaron ng guwapong boyfriend pala ang siyang magiging dahilan para siya ay  makaramdam ng insecurity.

Ano kayang mga pagsubok ang darating sa relasyon nina Twinkle at RJ?  Tampok sina Lucho Ayala at ang ipinakikilalang si “Divine,” kasama sina Ms. Vangie Labalan at Arnie Ross, abangan ang naiibang kuwentong ito ng "Karelasyon" ngayong Sabado.

Sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Zig Dulay, ihahatid na ni Ms. Carla Abellana ang istoryang ito ngayong November 14 pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Tags: prstory