Pag-iibigang Lorenzo at Rosa, magbu-bloom ngayong linggo sa 'Dangwa'

Ngayong Christmas week, sama-sama tayong makisalo sa Noche Buena at matamis na pag-iibigan sa DANGWA.
Sa pagsisimula ng Linggo, magbubunga ang pagsusumikap ni Lorenzo (ALJUR ABRENICA) dahil ang aginaldong kanyang matatanggap ay ang “Big Yes” ni Rosa (JANINE GUTIERREZ)…magiging sawi sa pag-ibig si Baste (MARK HERRAS) pero ang regalong darating naman sa kanya ay mahahanap niya na ang kanyang tunay na ina.



Malaking hadlang naman ang nanay ni Lorenzo na si Veronica (JACKIE LOU BLANCO) sa pag-iibigan nila ni Rosa. Sa mismong Noche Buena ipadarama niya kay Rosa na hindi niya gusto ang isang hamak na tindera sa Dangwa.
Magiging karapat dapat na ba si Baste para kay Rosa ngayong malalaman niyang siya ang unico hijo ng mayamang negosyante na si Donya Ada (ANGELINA KANAPI)? Sa pagdating ni Nana (ARRIANE BAUTISTA), ang adoptive daughter ni Donya Ada…tutulungan niya bang humilom ang duguang puso ni Baste?


Sa Christmas party sa Dangwa, isang pa-contest ang magaganap – ang Search for Dangwa Girl. Maglalaban sina Rosa at Miriam (ANNE GARCIA), at pilit pa ring magpapatalbugan sa puso ni Rosa sina Lorenzo at Baste!

Makulay, masagana at masayang buong linggo ng Kapaskuhan ang mapapanuod mula Lunes hanggang Biyernes sa DANGWA ngayong
Christmas Week December 21 hanggang December 25, 2015 11AM sa GMA7!