'Conan, My Beautician,' magtatapos na ngayong Linggo

Isang “Pak Ganern Finale” na puno ng sanga-sangang aksyon at katatawanan ang tampok ngayong Linggo sa Conan My Beautician!
_2016_09_15_18_47_15.jpg)
Magigising na mula sa matagal na pagka- “comatose” ang nanay ni Conan (Mark Herras) na si Perla (Lotlot de Leon) at malalaman nila ni Connor (Balang) na nasa panganib sina Conan at Ava (Megan Young) matapos ipadukot nina Chika (Kakai Bautista) at Prince (Rodjun Cruz).
_2016_09_15_18_47_30.jpg)
Magsasanib pwersa ang mga beauticians ng Salon Paz para iligtas sina Conan at Ava pero laging gulat nila na hindi lamang sila ang maghahanda at magbibihis para sa labanan si Chika mag-iibang anyo rin!
_2016_09_15_18_50_42.jpg)
Special guest para sa Finale Episode si Candy Pangilinan at hindi siyempre mawawala ang mga beauticians ng Salon Paz na magiging bayani at magliligtas kina Conan at Ava na sina Albert Sumaya, Tetay at Atak.
_2016_09_15_18_46_52.jpg)
Kasama rin sina Lovely Abella bilang si Sharon, ang secretary ni Ava at Ken Anderson bilang Gabby, ang waterboy ng Salon.

Sa bandang huli, maililigtas ang buhay ng lahat. Mabubunyag ang tunay na kulay ni Prince at mabibilanggo si Chika. Samantala, itatayo ang version 2.0 ng Salon Paz… Magkakatuluyan sina Sharon at Gabby. At siyempre tuloy tuloy ang pag-iibigan nina Conan at Ava!

Isang makulay na season-ender ang aabangan sa "Conan, My Beautician" ngayong Linggo 5PM sa GMA.