Kantahan habang nakalambitin sa ere, ngayong Sabado sa #LIKE
TO THE HIGHEST LEVEL
PALABANG AMATEURISTA NG PAMPANGA VS GINTONG TINIG NG BULACAN
#LIKEToTheHighestLevel

Dahil nagtataasan ang tinig ng paglalabaning internet sensations, ang challenge nila --- magpataasan ng boses habang nakalambitin sa ere! Isasabit sila sa crane na kayang mag-angat hanggang 100 talampakan habang bumibirit ng Narito ako ni Regine Velasquez.
_2016_10_07_13_13_49.jpg)
Makakasama nilang kumanta habang nakasabit, ang mala-Songbird din ang tinig na si Anton Diva.
_2016_10_07_13_14_56.jpg)
Ang unang contestant na si Kristine Claire Cruz nagviral matapos navideohan na umaawit ng Chandelier. Suki na ng mga amateur singing contest si KC kaya raw palaban talaga siya pagdating sa kantahan. ‘Yun nga lang, meron siyang fear of heights kaya malaking hamon kay KC na kumanta habang itinataas ng crane.
_2016_10_07_13_14_43.jpg)
Ang makatutunggali naman niyang si Sacha Yen, sumikat sa rendition niya ng Let It Go. Call center agent na ngayon si Sacha. Dahil puhunan ang tinig sa trabaho may pagkakataon daw na nawalan na siya ng boses at hindi na makakanta. Pero ngayon, muli raw nagbalik ang kanyang ginintuang tinig. Gayumpaman, sa kalagitnaan ng kanilang salpukan sa ere ni KC, nagpanic si Sacha dahil may narinig daw siyang mistulang nag-snap sa kanyang harness!
_2016_10_07_13_14_26.jpg)
To the highest level ang tensyon at kompetisyon sa #LIKE Tagisan ng Internet Sensations kasama si Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado na pagkatapos ng Eat Bulaga.