ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Babaeng gagawin ang lahat para lang magka-anak, tampok sa 'Karelasyon'


 


Lumaking independent at maabilidad si Rachel dahil na rin sa impluwensya ng kanyang inang solong nagtaguyod sa kanya. Komportable ang buhay nilang dalawa ngayon pero dahil nagkaka-edad na si Rachel, isa sa kanyang mga pangarap ang nais na niyang tuparin --- ang magkaroon ng sariling anak.

Ngunit paano naman niya ito matutupad kung ayaw na niya ng pakikipagrelasyon sa mga lalaki? Bagamat pinapayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na mag-apon na lamang, nais pa rin ni Rachel na maging ina sa natural na paraan. At isa nga sa mga naiisip niya ay ang maghanap ng lalaking papayag sa hiling niya --- isang gabi na magbubunga ng anak.   

Makahanap kaya si Rachel ng lalaking papaya gawin ito? Tama bang hilingin niya lang na magkaron ng anak at hindi ng isang buong pamilya?

Si Kris Bernal ang gaganap bilang Rachel, ang babaeng gagawin ang lahat matupad lang ang kanyang kahilingangn maging isang ina. Makakasama niya sina Mike Tan, Ces Quesada, JC Parker at Maui Taylor. Mula ito sa panulat ni Honee Alipio at direksyon ni Paul Sta. Ana.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.

Tags: plug, karelasyon