ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sanya Lopez, magpapakilig sa Valentine's special ng 'Karelasyon'


 


Dahil sa dami ng masakit nilang karanasan sa pakikipagrelasyon, ang magkaibigang sina Erica at Star ay nawalan na ng gana sa usapang pag-ibig. Bilang protesta, balak pa nga nilang magsagawa ng party para sa mga single at galit na galit sa Valentine’s Day.

Ngunit mukhang mauunsyami ang plano ng dalawa dahil biglang makakatagpo si Erica ng bagong lalaking magbibigay daw ng pag-asa sa kanya --- ang guwapong Amboy na si Rico!

Pag-asa o Paasa? Muli na naman kayang masasaktan si Erica?  At kapag dumaan na naman siya sa panibagong heartbreak, mapapansin na niya kaya na ang kaibigan niyang si Andy ang laging naroroon para sa kanya? At ano ang gagawin ni Erica kapag bigla itong magtapat ng damdamin sa kanya?

Ito ang espesyal na kwentong handog ng Karelasyon bago mag-Valentine’s Day! Pagbibidahan nina Sanya Lopez, Jeric Gonzales at Ian Batherson, mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Zig Dulay.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado, 3:15pm.