ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-iibigang made in New Zealand, magpapakilig sa 'Tadhana'


Tadhana presents
143 NZ
Ang totoong OFW love story na may ‘twist’


 

Love is color blind.

Si Estong, true blue Pinoy ang battlecry. Kay Ava naman, dugong Kiwi ang nananalaytay. Pero si Kupido, wala talagang pinipiling lahi. From the Philippines to New Zealand, pinana niya ang dalawang tumitibok na puso.

Ngayong Sabado sa Tadhana, tampok ang totoong kuwento ng OFW sa New Zealand na si Estong, na na-love at first sight sa ganda at talino ng Kiwi o New Zealander na si Ava. Hindi lang mga mundo nila ang magkaiba, dahil kahit sa kultura at paguugali, magkalayo silang dalawa. Ano nga kaya ang tamis at pait, saya at lungkot, tagumpay at kasawian ng interracial relationship?

Nakakakilig ang totoong kuwentong OFW na hatid ni Primetime Queen Marian Rivera ngayong Sabado, tampok sina Alex Vincent Medina bilang Estong at Max Collins bilang Ava, kasama rin sina Yayo Aguila, Barbara Miguel, Natileigh Sitoy, Jeff Smith at Anita Haine. 

Tadhana presents “143 NZ”, Sabado, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA 7. Maki-Twitter party rin gamit ang #TadhanaKilig para sa trending na kuwentuhan.