Katrina Halili, aaluking maging third wife sa 'Tadhana'
TADHANA presents
THIRD WIFE
August 5, 2017
Sabado, 3:15pm
GMA 7

Sabi nga, "Laughter is the best medicine." Kaya si Laisa, tinatawanan lang ang bawat dumarating na dagok sa buhay niya.
From Bisaya to Bahasa. Magkapulupulupot man ang dila, ang pakikipagsapalaran sa Brunei bilang domestic helper ang nakita ni Laisa na sagot sa kanilang problema. Tubong Davao City, si Laisa ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya. Batugan ang asawa, naaksidente pa ang ama, nasa mga balikat ni Laisa nakapasan ang pagtataguyod sa mga anak at magulang.
Naniniwala si Laisa na sa kanyang unli positivity, walang pagsubok ang mahirap o malaki. Pero mukhang hindi sasapat ang sandatang ligaya ni Laisa sa Brunei.
Hindi lang pala kasi gawaing bahay ang kailangan niyang harapin pero isang 'digmaan'. Maiipit si Laisa sa giyera sa pagitan ng dalawang asawa ng kanyang among lalaki. Pero paano kung ayain din siyang maging kahati nilang dalawa?
Hindi first, hindi rin second. Ang pagiging third wife na nga ba ang magdadala ng ginhawang kanyang inaasam? O magpapagulo lang lalo sa kanyang buhay? Ay, ambot!
Alamin ang kuwento ngayong Sabado sa #TadhanaThirdWife na pangungunahan ni Katrina Halili bilang Laisa kasama sina Emilio Garcia, Yanna Laurel, Martha Comia at Samantha Lopez aka Gracia, mula sa panulat at direkyson ni Michael Christian J. Cardoz.
Samahan ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa paglalahad ng isang kuwento ng pagsisikap sa TADHANA ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.