Yaya na naging abogada, tampok sa 'Tadhana'
TADHANA presents
YAYA ABOGADA
September 2, 2017
Sabado, 3:15 pm
GMA 7

Abogada na si yaya!
Makapagtapos lang ng kolehiyo, namasukan bilang yaya at kasambahay si Chona sa Espanya.
Nakipagsapalaran si Chona sa ibang bansa para matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid at mabayaran ang naisanglang lupa't bahay. Lumaking ulila, si Chona na ang tumayong tatay at nanay ng kanyang mga kapatid kahit pa may sarili na rin siyang pamilya.
Pangarap ni Chona na maging abogada noon pa man pero dahil sa kahirapan at pangangailangan ng pamilya, naiba ang kanyang daan.
Ilegal mang nakapasok sa Espanya, nais ituwid ni Chona at iba pang kasama ang kanilang status sa Barcelona. Pero sa kasamaang palad, walang tulong legal silang makuha.
Ito na nga kaya ang magbabalik kay Chona sa daan patungo sa pagtupad ng nilimot nang pangarap?
From living room to courtroom. Huwag palampasin ang kuwento kung paano binago ng isang dating yaya ang kanyang kapalaran para matupad ang minimithing pangarap. Pangungunahan ito ni LJ Reyes kasama sina Lance Serrano, Bon Vibar, at Jackielou Blanco, mula sa panulat ni James Harvey Estrada at direkyson ni JP Habac.
Samahan ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa paglalahad ng isang kuwento ng tagumpay sa #TadhanaYayaAbogada ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. /KVD