ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na may maluhong misis, tampok sa 'Tadhana'


TADHANA presents
LUHO
April 7, 2018
Sabado 3:15pm
GMA 7



Kung makahingi ng padala, para bang pinipitas o pinupulot lang ang pera sa ibang bansa.

Ganito ang nararanasan ng maraming OFW kabilang na si Oliver, isang engineer sa Oman. Kabilang si Oliver sa 10% ng mga OFW na propesyunal o managerial ang posisyon sa trabaho. Kung kaya’t naging mabilis ang pag-asenso niya at nakapagpundar ng bahay, sasakyan, at maginhawang buhay para sa kanyang mag-ina sa Pilipinas.

Dahil sa naging bigay-hilig si Oliver sa lahat ng hingin at ipabili, naging maluho ang kanyang asawang si Lorena at anak na si Madel. Kaliwa’t kanan kung gumastos, tila ATM naging turing ng mag-ina niya sa kanya. Kaya kiinakailangan niyang magdoble kayod matustusan lang ang lahat ng  pangangailangan at unli-layaw nila.

Pero paano kung mawalan ng trabaho ang inaasahan nila? Ubos ubos biyaya, bukas nakatunganga?

Ang mas masaklap, habang ginagatasan siya, sumasakabilang-bahay din pala ang asawa. Paano nga ba matutuklasan ni Oliver ang makating ‘luho’ ni Lorena?

Sumama sa pambibisto ni Oliver ngayong Sabado sa pagganap ni Mark Herras kasama sina Dionne Monsanto, Marco Alcaraz, Jade Lopez, at Leanne Bautista. Huwag palagpasin ang #TadhanaLuho ngayong Sabado 3:15pm sa GMA 7 pagkatapos ng Contessa.

Tags: pr, plug