ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na niloko ng asawang Koreano, tampok sa 'Tadhana'


TADHANA presents
SARANGHAE
July 14, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 


Mistulang Koreanovela ang pagkukrus ng landas nina Jinny at ng Koreanong si Ryan.

Empleyado si Jinny habang supplier naman si Ryan sa isang Korean company sa Pilipinas nang magkakakilala ang dalawa. Nagligawan, nagkamabutihan, hanggang sa humantong sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

Pero nang magkaroon ng gusot sa kanilang relasyon, nagdesisyon si Jinny na sa Korea na manirahan para makapagsimulang muli. Pumayag na mauna sa Korea si Genie kasama ang anak, sa pag-aakalang susunod si Ryan.

Ang hindi akalain ni Jinny sa pagdating niya sa Korea, mabubulgar ang mga lihim ng kanyang Koreanong asawa.

Ano ang gagawin ni Jinny kung matuklasang kasinungalingan pala ang lahat ng tungkol sa katauhan ng kanyang asawa? At paano kung habang nagpapakahirap itaguyod ni Jinny ang pamilya ni Ryan sa Korea, matuklasan niyang sa Pilipinas ay suma-sideline ito sa iba?

Tunghayan kung paano haharapin ni Jinny ang mga pangakong napako sa pagganap ni Sheryl Cruz kasama sina Shyr Valdez, Alex Chang, at Aira Bermudez ngayong Sabado sa #TadhanaSaranghae, 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

Tags: plug, pr