ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Barangay Munting Pangarap, may fiesta!


FIESTA SA BARANGAY NI JOWA! (WEEK 11)

AIRING DATE:  DEC 9- 13, 2019

 

 

 

Ngayong linggo,   fiesta sa Barangay Munting Pangarap at sari sari ang dahilan para magsaya!

Nagdiriwang ang mga Baes dahil bumalik na sa boarding house si Grant (KEN CHAN).    Habang mas kinikilig sina Jowalyn (RITA DANIELA)  at Grant sa isa’t isa, magsasanib pwersa sina Charles (EA DE GUZMAN) at Xtina (JOYCE CHING).     Pero imbes na mapaglayo, mas lalo pang mapapaglapit sina Jowa at Grant… at mapapaamin na si Jowa na nagsiselos siya ng bongga  kay Xtina!

 

 

May singing contest sa Fiesta at hahamunin ni Xtina si Jowa.   Ilalabas na ni Jowa ang kanyang hidden talent at kasama ng buong tropa, mapapabirit, hataw at indak ang buong barangay sa kaniyang performance.

 

 

Matapos muntik mahuli ni Francis (TONTON GUTIERREZ) na si Jo (AMY AUSTRIA) ang babaeng dumadalaw sa puntod ng kanyang namatay na  anak, mas tumitindi ang hinala niyang baka si Jo ang una niyang asawa.  Magugulat si Jo nang bigla na lamang siyang halikan ni Francis---- at hindi sinasadyang masaksihan naman ang pangyayari ni Paps!  Ano ang ibig sabihin ng  eksenang ito: Bakit hinahalikan ng tunay na ama ni Jowa si Jo Rubio?

 

 

Samantala, gagawa ng paraan si Alona (MELANIE MARQUEZ) para siya ang unang makapagkumpirma sa hinala ng asawa … at sa dulo ng linggo, isang malaking rebelasyon ang madidiskubre ni Alona!

 

Huwag nang bibitiw sa seryeng kinaaadikan ng buong BAEyan dahil patindi nang patindi ang kwento at good vibes!  ONE OF THE BAES, gabi gabi pagkatapos ng  The GIFT sa GMA Telebabad.