Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga negosyong umusbong ngayong pandemya, tampok sa 'On Record'!


Airing Date: March 9, 2021

 

 

 

Ayon sa International Labour Organization, 10.9 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at lumiit ang kita dahil sa Covid-19 pandemic. Sa gitna ng krisis ay ipinamalas ng ilan nating kababayan ang pagiging malikhain at madiskarte sa pagnenegosyo.

Nariyan ang comfort food on wheels tulad ng bike-b-q na naisip ng 22 taong gulang na si Faustino “Tin” Zapanta III. Naglalako siya ng barbeque at hotdog sandwich gamit ang kaniyang bisikleta. Lomi on wheels naman ang naisip ni Joel Arbitrario, isang OFW na nawalan ng trabaho bilang galley utility sa isang cruise ship. Coffee with a view naman ang hatid ng isang coffee shop sa gilid ng highway sa Candaba, Pampanga. Tiyak na magigising ka sa mainit na kape habang pinagmamasdan ang Mt. Arayat.

Ang ilan sa cast ng primetime show na Owe My Love ay may mga bagong business venture din. Ibibida ni Kapuso hunk Benjamin Alves ang inspirasyon ng kaniyang online flower shop na House of Roses. Ibabahagi rin nina Jelai Andres at Jon Gutierrez o Team JoLai ang mga kwento sa likod ng kani-kanilang mga negosyo.

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi.

 

ENGLISH VERSION

Businesses have permanently shut down during pandemic. Around 10.9 million Filipino workers lost their jobs and had lower incomes due to the COVID-19 pandemic, data from the International Labour Organization shows. Small businesses get creative to survive during the pandemic. Catch On Record every Tuesday at 11:30 PM on GMA.