ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Doc Migs, may babala kay Sensen!


OWE MY LOVE
WEEK 11: APRIL 26-30, 2021

 

 

Tila lumalala na ang dementia ni Lolo Badong (Leo Martinez) kaya’t hindi na niya makilala si Sensen (Lovi Poe) bilang asawa ni Doc Migs (Benjamin Alves). Sa halip, aakalain niyang si Trixie (Winwyn Marquez) ang kabiyak ng kaniyang apo. Laking tuwa naman ni Trixie dahil sa wakas ay sumasangayon na ang tadhana sa plano niyang mapaghiwalay sina Doc Migs at si Sensen

 

 

Bagamat masama ang loob ni Sensen na nakalimutan na siya ni Lolo Badong, mababaling naman ang atensyon niya sa kasintahang si Doc Kenneth (Rocco Nacino). Ipararamdam niya at ng buong pamilya Guipit ang mainit na pagtanggap nila kay Doc Kenneth. Dahil dito, lalabas ang tunay na kulay ni Doc Kenneth na ikababahala ni Doc Migs kaya susubukan niyang bigyang babala si Sensen.

 

 

Babalikan naman ni Divina (Jackie Lou Blanco) ang kaniyang naunsayming plano sa pagkamkam ng kayamanan ng mga Alcancia. Bubusisiin niya ang last will and testament ng matanda at madidiksubre niyang may kinalaman dito ang isang "Ismael Guipit.” Ngayong linggo ay lalabas din ang ugnayan ni Lolo Badong at Ismael, at kung ano ang nakaraan nilang dalawa.

 

 

Tuloy naman sa pagkayod si Oryo (Pekto Nacua) para sa kaniyang pamilya kaya halos lahat ng pagkakakitaan ay papasukin niya para makabawas ng mga utang at para makabawi kay Coring (Ruby Rodriguez).  ‘Yun nga lang, magiging magkakampi si Gastor (Gene Padilla) at Divina para wakasan ang mga pangarap ni Oryo para sa kaniyang pamilya.

 

 
 

Hindi naman pahuhuli si Vida (Ai-Ai Delas Alas) dahil pati siya tuloy ang pagkayod para makipagbalikan kay Doc Coops (Ryan Eigenmann) na hindi pa rin maalis sa kaniyang puso. On the rocks muli ang relasyon nina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Gutierrez) dahil sa karibal na vlogger ni Jenny.

 

 

May big news namang ipagtatapat si Evs (Kiray Celis) kay Gwaps na ikabibigla ng binata.

 

 

Iyan at ilan pang kapana-panabik na mga eksena ang dapat pang abangan sa ika-labing isang linggo ng Owe My Love, 9:35 pm, gabi-gabi sa GMA Telebabad.


======================================

OWE MY LOVE - WEEK 11
APRIL 26-30 2021


Lolo Badong’s dementia progresses to a point where he seems to have forgotten about Sensen and now mistakes Trixie as Migs’ wife. Though disappointed by this turn of events, Sensen instead focuses on her new boyfriend, Doc Kenneth, who has quickly endeared himself to the Guipit family. But as his true colors slowly but surely unravel, Doc Migs tries to warn Sensen about the real Kenneth.

Divina discovers a mysterious beneficiary in Lolo Badong’s last will and testament, Sensen’s late grandfather, Ismael Guipit. Ismael and Badong’s turbulent past is revealed.

Meanwhile, Oryo finally lands a promising job, but his gambling debts continue to haunt him. Gastor and Divina team up to ruin the Guipits for good.

While Jenny Rose and Eddie’s relationship remain on the rocks, Gwaps and Evs take theirs to the next level leading to an unintended surprise. (30)