Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga simpleng produkto, naging matagumpay na negosyo!


Kilalanin ang mga negosyante na mula sa mga simpleng produkto naging panalo ang kanilang negosyo!
 

Si Momshie Remilyn nagsimula sa pagiging reseller ng lumpiang sariwa. Pero dahil sa hilig niya sa pagluluto, naisipan niya na siya na lang ang magluto ng binebenta niya. Mula sa 1,500 pesos na puhunan, kumikita na siya ngayon ng halos 50,000 pesos kada buwan. At ang kanyang lumpiang sariwa, hindi lang fresh kundi makulay rin dahil sa kanyang mga pambalot.

T-shirt printing business naman ang itinayo ng mag-asawang Arlene at Justin. Plantsa lang daw ang una nilang ginamit upang malagyan ng disenyo ang mga t-shirt noong nagsimula sila taong 2014. Pero ngayon, mayroon na silang sariling makina para sa printing. At present na rin daw sila sa di mabilang na family reunion dahil sa kanilang mga tshirt.

Pag-tutuyo ang hanapbuhay ng mga magulang ni Lucile sa kanilang probinsiya. Pero nang mawalan ng trabaho sa Singapore sina Lucile at asawa niyang si JR, ginawa nilang negosyo ang pagbobote ng gourmet tuyo!  Alamin kung papaano nila narating ang kita na 100,000 per month sa kanilang bottled tuyo business!

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!