Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paw-sitive Income, Kitang May Tiyaga at Panalong Unlimited Wings sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado sa GMA!


Para sa bagong taon, narito ang mga bagong kwentong magbibigay inspirasyon sa atin!

 


Hindi marunong magluto si Marco pero ang negosyo niya, pagkain! Dating freelance videographer pero dahil sa hangaring masuportahan ang sarili hanggang sa pagtanda, naisipan niyang magtayo isang kakaibang negosyo na kakaunti pa lang daw ang sumubok dahil napakahirap gawin. Smoked beef! Ikukuwento niya sa atin ang napakatagal at mahabang proseso para mabuo niya ang business nagbibigay na sa kanya ngayon ng kitaang umaabot sa six figures kada buwan.



Taas kamay ang mga fur parents diyan dahil makaka-relate kayo sa kuwento ni Grace. Para maalala ang kanyang namatay na alagang aso na si Premium, pinag-aralan niya ang clay art. Mula sa clay art, gumagawa siya ng mugs at key chains na ang disenyo – mukha ng inyong fur baby. Sa 5,000 pesos na puhunan, hindi lang siya kumikita ng 40,000 pesos kada buwan kung hindi nagbibigay din siya ng saya sa ibang fur parents.



Ano kaya ang sikreto nina Momshie Kristel at Popshie Ruel sa kanilang unlimited wings na negosyo? Matagal na itong pangarap ni Momshie Kristel. Kahit biglaan siyang naging breadwinner ng pamilya, patuloy siyang nagpursige para makamit ang isang matagumpay na negosyo.
 
Kaya laging taandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!