Mga masuwerteng pasyalan at pagkain, alamin sa 'Good News'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: February 4, 2019
Biyaheng Suwerte!
Dahil ayon sa Feng Shui Expert, swerteng bumiyahe sa norte ngayong Year of the Pig, tumungo si Maey B sa probinsya ng Bulacan. Dito niya nadiskubre ang kuwebang mala-Coron sa Palawan ang ganda! Dahil suwerte raw ang mangga para sa matamis na pagsasama ng pamilya, tinikman ni Maey ang kakaibang Kani-Mango Spring Rolls. Ang talaba naman, suwerte raw sa negosyo. Kaya ang inulam ni Maey, tocino na gawa sa dried oyster! Dahil compatible daw ang tubig sa Year of the Earth Pig, tumungo si Maey B sa isang resort, kung saan sinubukan niya ang water activities. Pagkatapos mapagod, mga pampasuwerteng pagkain naman ang tinikman niya! Kabilang dito ang Sisig Itik, dahil ang itik ay simbulo raw ng fidelity o katapatan sa mag-asawa. Ang linga naman na ibinudbod sa masarap na buchi na nilasap din ni Maey, simbulo naman ng fertility!







Ihain ang Suwerte!
Ngayong Year of the Pig, ang payo ng Feng Shui expert, dapat maghain ng mga putaheng sinangkapan ng five elements ng wood, water, earth, metal, at fire. Kaya pawang lucky recipes ang iniluto namin sa Good News Kusina, gaya ng Egg Roll Bowls, Kung Pao Spaghetti, at Crispy Fish Salad. Alamin kung paano lutuin ang mga 'to, para ang suwerte, lumapit sa pamilya n'yo!



Astig sa Year of the Pig!
Para swertehin ngayong Year of the Pig, hindi kailangang bumili ng mamahaling good luck charms. Kasama ang Feng Shui expert, aalamin natin ang mga practical tip para pumasok ang buenas sa inyong buhay, Mula sa kulay ng kurtina, hanggang sa klase ng prutas na dapat itabi sa kama, ituturo namin ang mga affordable paraan para maki-celebrate sa nalalapit na Chinese New Year.



English Synopsis
You don't have to buy expensive good luck charms to welcome good fortune this Year of the Pig. We consult a Feng Shui Expert for practical tips you can do on your own. In the Good News kitchen, we will serve lucky dishes that contain the five elements of water, wood, fire, earth, and metal. According to a Feng Shui Expert, northern trips are lucky this Year of the Pig. That's why Maey B heads off to Bulacan for a lucky getaway!