Delicacies at pasyalan sa iba't ibang probinsya, alamin sa 'Good News'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: February 25, 2019
Food Trip with a Twist!
Ang pambato ng iba't-ibang probinsya...pwede pang lumevel up sa panlasa. Ang paboritong Pancit Habhab sa Quezon, nagbagong bihis nang ipinalaman sa lumpia. Sa La Union naman, madidiskubre ang sisig na kakaiba ang sangkap--ang Octopus! Para sa panghimagas, tumungo kami sa Baguio kung saan nauuso ang soil cake.

_2019_01_11_18_38_42_1.jpg)
Agapay kay Nanay!
Si nanay, lahat kayang gawin para sa pamilya. Pero kung siya ang nagipit, may tutulong kaya sa kanya? Iba't- ibang problema ng mga nanay ang isinalang namin sa aming mga eksperimento. Nariyan ang bagong-layang nanay na naghahanap ng trabaho, ang buntis na walang maupuan sa pampublikong sasakyan, at ang ina na may dala-dalang gutom na anak sa napakahabang pila. Alamin kung meron tayong mga kapusong may ginintuang puso.


Healthy but Yummy!
Dahil malapit na ang summer, marami na ang nagdidiyeta para sa pagrampa sa beach. Pero alam n'yo ba na hindi kailangang magdusa habang nagdidiyeta? Hatid ng Good News Kusina ang mga recipe na hindi gumagamit ng kanin at karne! Gamit ang alternatives gaya ng pita bread, mushrooms at tofu, siguradong mabubusog at masisiyahan kayo nang hindi isinasakripisyo ang nutrisyon.

_2019_01_03_19_49_21_2.jpg)
Relaxing Larga!
Kung ayaw n'yong ma-stress sa pamamasyal, hatid namin ang mga larga na pampakalma. Umpisahan natin sa Baguio City, kung saan matatagpuan ang kauna-unahang "forest bathing" trail ng siyudad. Sa probinsya ng Quezon naman pwedeng tumambay sa bahay na bato na saksi sa kasaysayan ng ating bansa. Para sa chill na activity, subukan ang pottery making sa La Union.


DIY OOTD!
Ang OOTD, bigyang buhay sa pamamagitan ng DIY! Mga plastic straw na nakasasama sa kapaligiran, gagamitin natin para makagawa ng fashionable bracelet. Gusto mo ba ng bagong outfit nang hindi gumagastos? Tuturuan namin kayo kung paano gumawa ng stylish top at pencil skirt mula sa mga lumang damit!
_2019_01_03_20_15_08_1.jpg)

English Synopsis
Provincial delicacies get a leveled-up twist. Through social experiments, Good News put moms in different situations. Get to know the Good Samaritans willing to lend a helping hand. Good News brings you recipes that don't use meat or rice, you can enjoy filling and yummy meals without scrimping on nutrition. Join Bea and Maey B in search for the best chillax destinations. Love Añover will teach how to upcycle things for your OOTD.