ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Puso ng saging recipes at D-I-Y eco bags, ibinida ng Good News!


 

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: May 13, 2019

 

 

DIY Eco-bags

Para sa eco-friendly na pamamalengke, ituturo namin kung paano gumawa ng mga eco-bag gamit ang dahon ng saging at mga lumang gamit. Mula sa mga gulay, hanggang sa mas mabibigat na isda, sagot namin ang mga lalagyang  susubok sa inyong pagkamalikhain, at magpapasaya kay Inang Kalikasan.

 

 

 

 

 

 

Nawawalang Ina

Kilalanin si Shaira na matagal nang hinahanap ang nawawalang ina. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Sinundan siya ng aming hidden camera sa pagdidikit ng mga poster tungkol sa kaniyang nanay. Meron kayang tutulong sa kaniya? Alamin kung sinu-sino sa mga kapuso natin ang nagmalasakit kay Shaira.

 

 

 

 

Pagkaing mula sa Puso

Siguradong mapupusuan n'yo ang mga recipe naming pinagbibidahan ng puso ng saging! Umpisahan natin sa appetizer, ang healthy Banana Blossom Salad. Perfect ulam naman ang Spicy Chicken Banana Blossom. Gusto n'yo ba ng kid-friendly recipes? Siguradong mapapakain ng gulay ang mga chikiting sa Banana Blossom Balls at Banana Blossom Patties.

 

 

 

 

 

 

 

Pinoy Food with a Twist!

Sawa na ba kayo sa karaniwang ulam? Samahan si Maey B sa pagtuklas ng mga pagkaing Pinoy na binigyan ng kakaibang bihis. Tikman ang kakaibang linamnam ng Bibingka Pancake Souffle, Sinigang Burrito, at Kare-Kare Chicken Wings! Siguradong mabubuhayan ang inyong panlasa sa mga exciting na chibog na ito!

 


 

 


 


 


Upcycled Toy Story

Kilalanin ang collector na pinagkakakitaan ang mga lumang laruan. Ang kuwento niya ang naging inspirasyon namin sa aming DIY projects, kung saan magagamit muli ang mga laruang napaglumaan. Alamin kung paano magiging curtain holder, ref magnet, wall décor, at iba pa ang mga patapong laruan.

 


 


 


 


English Synopsis
For an eco-friendly trip to the market, we'll teach you how to make your own eco-bags using banana leaves and old things.  DIY projects which make use of our old playthings will definitely be useful at home. Maey B takes you on an exciting food trip that features Pinoy Food with a twist.  If you want your kids to eat healthier, serve them our surefire hits--Banana Blossom recipes. Will anyone be kind enough to lend a daughter looking for her missing mother a helping hand?