Saan nga ba masarap mag-food trip sa Banawe?
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
October 21, 2019
Busog sa Banawe
Ang Banawe, tinaguriang Chinatown ng Quezon City. Sikat ito dahil sa mga bilihan ng car parts at accessories, pero ngayon, nakikilala na rin ito dahil sa mga Asian restaurant. Inumpisahan ni Maey B ang kaniyang food trip sa Taiwanese resto na pinagbibidahan ng bento box. Para naman sa panalong sushi, tumuloy siya sa isang authentic Japanese na kainan. Ang exotic Abalone Stew naman ang best-seller ng isang Chinese restaurant.
_2019_10_18_17_29_05.jpg)
_2019_10_18_17_29_31.jpg)
_2019_10_18_17_29_52.jpg)
_2019_10_18_17_30_20.jpg)
Patok ang Pampanga
Ang probinsya ng Pampanga, hindi nauubusan ng mga paandar. Ito ang mga sinubukan ng Kapuso actress na si Anna Vicente. Sa isang Eco park, sumama siya sa isang tree planting activity. Para masiyahan ang sikmurang kumakalam, tinikman niya ang local dish na Pakalugkug na pinagbibidahan ng isdang dalag. Para sa kakaibang fruit picking, pumunta si Anna sa City of San Fernando, kung saan siya namitas ng mulberries at figs.
_2019_10_18_17_30_49.jpg)
_2019_10_18_17_31_10.jpg)
_2019_10_18_17_31_49.jpg)
_2019_10_18_17_32_22.jpg)
Togue-ther Forever
Ang togue, laging bumibida sa guisado at lumpia. Pero patutunayin namin na marami pa itong mga putaheng kayang pasarapin. Samahan ang aming chef sa pagluluto ng Asian dishes na sinangkapan ng togue, gaya ng Japanese salad, Korean pancakes at Chicken Pad Thai. Ang mga ito, kikiliti sa inyong panlasa habang binibigyan kayo ng dagdag sustansya.
_2019_10_18_17_33_06.jpg)
_2019_10_18_17_33_28.jpg)
Bye, Body Odor
Ang mga hindi kaaya-ayang amoy ng katawan gaya ng sa kili-kili, paa at hininga, pwedeng masolusyunan ng mga bagay na makikita sa sarili n'yong kusina! Huwag nang gumastos sa mga produkto sa drugstore, ilabas na ang mga sangkap gaya ng coconut oil, patatas at luya. Kasama ni Love Anover, alamin kung paano gawin ang mga home remedy na ito.
_2019_10_18_17_33_54.jpg)
_2019_10_18_17_34_20.jpg)
English Synopsis
Maey B explores Banawe on foot, and discovers new favorites, such as the Taiwanese version of bento box, fresh sushi, and abalone stew. The Province of Pampanga never runs out of places to visit. Kapuso actress Anna Vicente tries these out for the first time. Our chef cooks various dishes that feature bean sprouts, such as a light Japanese salad, Korean pancakes and Chicken Pad Thai. Body odour from the feet, armpits and your breath finds their solution in things you can find in your very own kitchen.