Sariling doppelganger, masamang pangitain?
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
October 28, 2019
Mamaw sa Minalungao
Sa Minalungao National Park sa Nueva Ecija, hitik, hindi lang ang magagandang tanawin, kungdi pati na rin ang mga elemento. Samahan si Maey B sa pakikinig ng mga kuwentong kababalaghan na pinagbibidahan ng mga diwata, sirena at nagmumultong sundalo.
_2019_10_26_10_26_53.jpg)
_2019_10_26_10_27_16.jpg)
_2019_10_26_10_27_40.jpg)

Delubyo ng Doppelganger
Minsan ba kayong nakakita ng kamukha ng inyong kakilala? Hindi ito yung kahawig lang niya, kungdi 'yung eksaktong kaparehas niya ng anyo at pagkilos. Ito ang tinatawag na doppelganger na bibigyang liwanag ng isang eksperto. Pero paano kung ang sariling doppelganger ang nakita mo? Totoo bang may masama itong pangitain?


I see, CCTV!
Ang CCTV camera na proteksyon laban sa krimen, minsa'y nakakukuha ng mga imahen na nababalot sa kababalaghan. Samahan si Bea Binene sa paghihimay ng mga CCTV footage na sumikat dahil sa misteryong ipinapakita ng mga ito. Meron ba talagang espiritu o elemento na nakuhanan ng camera? Alamin mula sa aming eksperto.


Killer Kalye
Merong kalye sa isang barangay sa Lubao, Pampanga, kung saan marami na ang naaksidente at namatay. May kinalaman kaya rito ang white lady na madalas magpakita sa mga residente? Ito at iba pang mga kababalaghan ang ating matutunghayan kasama ang mga spirit questor.
_2019_10_26_10_57_26.jpg)
_2019_10_26_10_57_52.jpg)
English
Join Bea Binene as she tries the solve the mysteries behind CCTV footage that had netizens wondering if they were rigged by supernatural elements. Find out our expert's opinion. Have you ever seen someone who looks and acts like someone you know? We're not talking about a coincidental similarity, but an exact copy of the person you know. This is called a doppelganger, which our expert will be explaining in depth. Join Maey B as she discovers enchanting stories that feature wood fairies, a mermaid and the spirit of a dead soldier. Many have met accidents and even their own deaths on a road in a barangay in Lubao, Pampanga. Some residents believe that a white lady often seen in the area is responsible for these grave incidents. To find out the truth, we invited spirit questors to investigate the barangay, where other spine-tingling spirits have been sighted.