ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Handa sa Noche Buena, mas pina-healthy na!


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

November 18, 2019

NEW-va Ecija

Ang Nueva Ecija na isang tumbling lang mula Maynila, may mga bagong ibubuga. Samahan si Anna Vicente sa pagsubok ng pinakamahabang zipline sa lalawigan. Nagising naman ang kaniyang panlasa ng local delicacy na Gising-Gising, pati na rin ng kakanin na Kalamay Aguas, at ng kakaibang Burgernizza.

 

 

Sock-cessful!

Talaga namang nakaiirita kapag nawalan ng kapares ang ating medyas. Pero may solusyon kami riyan. Kasama ni Love Anover at ng isang crafter, gagamitin natin ang mga naiwang medyas sa DIY projects. Alamin kung paano gawin ang organizer, ang secret pocket para sa pantalon, phone holder at hair bun gamit ang medyas!

 

 

Healthy Noche Buena

Habang hinahanda ang Christmas tree para sa nalalapit na Pasko, dapat na ring pag-isipan ang mga ihahanda sa noche buena! Hatid namin ang healthy recipes na kagigiliwan ng buong pamilya. Ang healthy versions ng morcon, paella, at chocolate truffles, bibida sa hapag-kainan. Ang mga ito, hindi lang masasarap, swak din sila sa budget at kalusugan.

 

 

Bayanihan sa Sasakyan

Dahil papalapit ang pasko, siguradong titindi ang trapik sa daan. Sa tagal ng paghihintay sa loob ng sasakyan, merong mga nahihilo at nahihimatay. Paano kung nangyari ito sa katabi mo sa pampasaherong van? May gagawin ka ba para siya'y tulungan?  Aalamin natin ang sagot sa pamamagitan ng isang social experiment.

 

 

English Synopsis

Nueva Ecija, which can be easily reached from Manila, has new and exciting things to offer. Join Anna Vicente in trying out what’s new in Nueva Ecija. With Love Anover and a crafter, we're going to use socks in making an organizer, a secret pocket for your jeans, phone holder and hair bun. Learn how to make healthy versions of well-loved classics, such as morcon, paella and chocolate truffles. Because of the long waiting time inside public vehicles, some passengers get dizzy or even faint. What will you do if this happens to your seat mate? Will you take the initiative to help him or her out?