Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

DIY immunity boosters, ibabahagi sa 'Good News'!


 

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: February 24, 2020

Papaya Perfect

Ano pa nga ba ang pwedeng gawin sa papaya bukod sa tinola? Ang guest chef namin ang bahalang magbahagi ng papaya recipes, na hindi lang kakaiba, kungdi swak din sa bulsa! Alamin kung paano lutuin ang Chicken with Papaya, Papaya Lime Soup, Papaya Peanut Butter Snack at Flat Papaya Curry.

 

Winner sa Resistensya

Ngayong kumakalat sa buong mundo ang nakababahalang Coronavirus-2019, alamin ang mga pwedeng gawin para mapalakas ang resistensya. Kasama ni Love Anover at isang health expert, matututunan n'yo ang mga recipe ng homemade health drinks, gamit ang sari-saring mga prutas at gulay.

 

Bakasyong La Union!

Bukod sa surfing, anu-ano pa ba ang pwedeng gawin sa La Union? Samahan si Anna Vicente sa pag-snorkel sa  mala-paraisong ganda ng isang isla, at magpa-picture sa  ruins na 400 years old na. Isang kakaibang local delicacy ang bumusog kay Anna bago siya tumungo sa kauna-unahang five- star resort ng probinsya. Sa part 2 naman ng pagbisita ni Anna  sa La Union, sasakay siya sa habal-habal para magtampisaw sa falls. Speaking of falls, napa-fall din si Anna sa isang art gallery na pinagbibidahan ng turtle design at mga bato. Perfect ending na sana ang pinanuod niyang sunset sa Pagoda Hill, pero ang talagang kumumpleto sa kaniyang bakasyon ay ang pagtikim ng local delicacy na sinanglao.

 

English Synopsis

Learn how to cook Chicken with Papaya, Papaya Lime Soup, Papaya Peanut Butter Snack and Flat Papaya Curry.  Now that the whole world is vigilant against the deadly Coronavirus-2019, learn the natural ways you can boost your immune system.  Join Anna Vicente as she visits and explore La Union