Masustansiyang recipes gamit ang sayote, alamin!

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
April 13, 2020
Para sa 'yo, 'te.
Ang sayote na murang-mura sa merkado, nag-uumapaw sa sustansyang swak sa pamilya. Dinala namin ito sa Good News Kusina para sa lutuang kikiliti sa inyong panlasa. Umpisahan natin sa malinamnam na Sayote Omelet. Pampainit ba ng sikmura ang iyong hanap? Subukan ang Sayote and Chicken Chowder. Para sa dessert, aariba ang Sayote Pudding Crumble.




Tagaytay Hayahay
Tumungo si Bea Binene sa Tagaytay para sa isang relaxing adventure. Sa isang hotel, nadiskubre niya ang glamping--o ang camping na kumpleto ang amenities, kabilang na ang spa! Type mo ba ang healthy coffee? Bisitahin ang isang cafe na pinagbibidahan ng kape na may halong malunggay, seaweed at mushroom. Para sa tuluy-tuloy na feel-good food trip, puntahan ang isang kainang may edible garden at may best-selling Spinach Carbonara.




Bao, Bow.
Tinaguriang "Tree of Life" ang niyog dahil sa dami ng mga benepisyo nito. Pero sa mundo ng D-I-Y, meron pa itong natatanging pakinabang--ang pagpapaganda ng tahanan. Gamit ang bao ng niyog, gagawa tayo ng tissue box, plant holder at plant accessory! Ang mga ito, bubuhay sa inyong creativity at bahay.


Hope in Cubao
Ang Cubao sa Quezon City ang may pinakamaraming kaso ng pagnanakaw. Kaya naman dito namin isinagawa ang eksperimentong susubok sa katapatan ng ating mga kapuso. Ang aming kasabwat, mag-iiwan ng gamit sa mga 'di niya kilala sa iba't ibang matataong lokasyon gaya ng kainan at bus terminal. Meron kayang magtatangkang magnakaw ng kaniyang mga gamit?


Wow, Lugaw!
Dahil patok ngayong tag-ulan ang mainit na lugaw, ito ang hinigop ni Maey B. Pumunta siya sa Malabon para tikman ang mga kakaibang lugaw tulad ng Adobogaw na may adobo topping, at ang Lugaw Palabok! Sa Quezon City naman niya natagpuan ang Kaldelugaw na pinagsama ang sarap ng kaldereta at bulalo.


English Synopsis
Check out the sayote recipes we're whipping up in the Good News Kitchen. Using coconut shells, you can craft your own tissue holders, plant holders and accessories. Bea Binene heads to Tagaytay for a laid-back adventure. Cubao in Quezon City has the highest number of theft cases. That's why we chose this location to conduct an experiment that will test the people's honesty. Maey B tries the new varieties of lugaw or congee.