Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kakaibang sayote dishes, tikman sa 'Good News'!


Good News Kasama si Vicky Morales
February 22, 2021

Mga Putaheng Sayote

Maski nagmamahal ang mga bilihin, pwede pa ring magpakabusog sa masusustansyang gulay tulad ng sayote. Pero bukod sa tinola at ginisa, anu-ano pa ang mga pwedeng luto nito? Alamin kung paano mapapasaya ang pamilya sa kakaibang sayote recipes tulad ng Sayote Tofu Omelette, Crispy Sayote Fritters, Fried Sayote Dessert at Ginisang Sayote at Kalabasa.



Tara Roon sa Maragondon

Sa Maragondon, Cavite natagpuan ni Bea Binene ang hinahanap niyang sariwang hangin, sariwang pagkain at peaceful ambiance! Sa isang eco-farm, nagpakabusog siya sa farm-to-table dishes gaya ng Farmer's Salad na pinagbibidahan ng edible leaves at flowers. Sumabak din siya sa river cruise para sa one-to-sawang swimming. Hindi naman nagpatalo ang isang garden resort sa paghandog na kakaibang glamping experience.



Mukbang Meryenda

Tatakamin kayo ni Love Añover sa mga nabili niyang authentic Korean snacks. Mula sa Korean Corn Dog at Cream Cheese Garlic Bread hanggang sa Tteokbokki at Gimbap, siguradong mabubusog kayo sa kakaibang sarap. Ito ang perfect snacks habang nanunuod kayo ng Korean drama.