Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nature adventure ng ‘Good News’ sa Nueva Ecija!


Good News Kasama si Vicky Morales
March 1, 2021


Tara na sa Nueva Ecija!

Tinagurian mang Rice Granary of the Philippines ang Nueva Ecija, hindi lang kanin ang ipinunta rito ni Maey B. Pagkatapos kayong busugin sa nature trip sa isang resort, bubusugin naman kayo ni Maey sa masarap na food trip. Bukod sa nakaiintrigang isaw sisig, aalamin din niya kung paano gawin ang special pastillas na hugis donut.  Sa pagpapatuloy ng pamamasyal ni Maey B sa Nueva Ecija, binisita niya ang Gabaldon Falls na may napakalinis at napakalamig na tubig. Sa isang restaurant sa Laur naman tinikman ni Maey ang pinagsamang linamnam ng ramen at bulalo, ang Bulalo El Diablo Ramen. Para sa chill na adventure, tumungo si Maey sa Sunset Peak Nature Camp, kung saan niya pinagmasdan ang mala-painting na ganda ng paglubog ng araw.

 

 

 

 

Terrific Turmeric!

Ang turmeric, talaga namang terrific pagdating sa lasa't sustansya. Bukod sa pagtuturo kung paano ito itanim, ipapakita din namin kung paano ito lutuin! Isangkap ang healthy turmeric sa nakatatakam na mga putahe tulad ng Honey Turmeric Chicken, Turmeric Scrambled Egg, Turmeric Rice at Chicken Malunggay Turmeric Soup.