Pagtatanim ng iba’t ibang klase ng gulay sa bahay, tampok sa Good News!
Good News Kasama si Vicky Morales
August 16, 2021
Kamatis Kilatis!
Ano ba talaga ang kamatis, prutas o gulay? Pero dedma na kung ano talaga ito, dahil sa pagluluto, bida ito sa sarap at sustansya. Alamin kung paano palulusugin ang pamilya sa mga kamatis recipe gaya ng Rice and Beef Stuffed Kamatis, Creamy Tomato Chicken at Pizza Omelet.
Magtanim ng Sustansya!
Calling all plantitos and plantitas! Ngayong ECQ na naman, pangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pagtatanim. Bukod sa mental health, napapabuti rin nito ang diet, lalo na't kung mga gulay ang itatanim. Para magabayan kayo sa pagtaguyod ng edible garden, tuturuan namin kayo kung paano magtanim ng kamatis, bell pepper, kangkong, spring onion at togue.
Seafood Sarap!
Ang seafood, isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng ating bansa dahil masagana nating mga karagatan. Kaya naman Maey B is on a mission: Ang pagtikim ng mga panalong seafood dishes na available for delivery. Mula sa Seafood Samgyumpsal at Seafood Rice Bowls hanggang sa Seafood Hotpot at Seafood Laksa, siguradong mabubusog kayo sa sarap at sustansya, mapa-araw, mapa-ulan o mapa-ECQ man.