ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Manny Locksmith, MSME and Candy Business Under 1K"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on February 19, 2011 Saturday 7:00 AM True to its slogan “Todo bigay sa inyong pag-asenso," GMA 7’s Hanep Buhay has awarded “Hanep makeovers" to many deserving entre-Pinoys. Eateries, sari-sari stores, a salon and an auto shop are only some of the businesses that have received free business advice, equipment and supplies, and physical transformations to help boost their businesses. Saylo Salon was one of the first businesses to experience this hanep transformation. From a lonely parlor with barely any customers, after the salon’s facelift, Saylo has had an 80% increase in revenue and now has 2 branches! Added to the list of lucky entre-Pinoys is Mang Oca Espinosa. Owner of a humble bakery in Binangonan Rizal, his business wasn’t only showered with brand new ovens and new baking supplies; he was also given a free baking seminar by the best chefs of Center for Asian Culinary Studies! And this time, Chris Tiu and Love Añover will be giving a hardworking locksmith his well deserved business makeover! , BIGAYANG BAYAN: Manny Locksmith His tiny stall is considered a little institution in the sprawling campus of the University of the Philippines . Still standing after 30 long years, Mang Manny Rivero’s locksmith expertise has duplicated hundreds of keys, repaired dozens of locks and umbrellas in the past years. Because of all his hard work, Mang Manny was able to pay for the education of his 7 children! Hanep! This Saturday, Mang Manny can take a backseat because Love and the Hanep team will do all the work! The Hanep boys will overhaul his small kiosk and give him a brand new work space! Not only that, Mang Manny will also be given blank keys and additional tools to enhance his business! Negosyonaryo: MSME Ever wondered what an MSME is? MSME stands for Micro, Small, and Medium Enterprises. Exactly what this is and what businesses belong to each category, you’ll find out this Saturday with entre-Pinoy heartthrob Chris Tiu! Diskarteng Hanep: Candy Business Under 1k Believe it or not, you can start a lucrative business with only one thousand pesos! For any entrepreneurial sweet tooth out there, a candy business is not only low on capital, but it’s also high on revenue! Find out this Saturday how you can start a unique candy business by making malunggay polvoron and kamias candy. Know the ingredients for sweet success in the candy business this Saturday in Hanep Buhay!
Talaga namang hanep ang pag-asenso ng mga masisipag nating entre-Pinoy na nabigyan ng make-over ng Hanep Buhay ! Kasama ang ka-partner nating sina Chris Tiu at Love Añover, nasaksihan natin ang paglago ng negosyo ng Saylo Salon ni Josh Saylo. Mula sa isang parlor na hindi tinatao noong nakaraang taon, ngayon, may dalawang branches na ang Saylo! Nariyan din si Mang Oca Espinosa na may-ari ng Christian Bakery. Hindi lang humanep ang kaniyang panaderya dahil sa panibagong oven at sangkatutak na ingredients, lumawak pa ang kaniyang kaalaman dahil sa libreng baking seminar! At ngayong Sabado, sisimulan na ang pag-asenso ng locksmith shop ni Mang Manny! BIGAYANG BAYAN: Manny Locksmith Tila institusyon na sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas ang locksmith stall ni Mang Manny Rivero. Tatlumpung taon na kasi niyang pinapanday ang mga susi, inaayos ang mga lock, at nirerepair ang mga payong ng mga estudyante roon. Dahil sa kaniyang sipag sa pagpapanday, napaaral ni Mang Manny ang kaniyang pitong anak! Kaya naman ngayong Sabado, relax muna si Mang Manny sa kaniyang negosyo dahil ang Hanep Buhay , susugurin ang kaniyang maliit na kiosk! Ang noo’y maliit at payak na puwesto ni Mang Manny, bibigyan ng hanep na make-over kasama si Love! Ano pa kaya ang mga hanep na surpresang naghihintay para kay Mang Manny? Abangan iyan ngayong Sabado! Negosyonaryo: Ano ba ang MSME? Kasama ang ka-partner n’yong si Chris Tiu, alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng MSME O Micro, Small, and Medium Enterprises. Mapapabilang ba ang iyong negosyo sa MSME? At paano lalong mapapalago ang ganitong klaseng business? Kasama ang entre-Pinoy na si Chris, malalaman niyo iyan ngayong Sabado! Diskarteng Hanep: Candy Business Under 1k Maniniwala ba kayo na may negosyong kayang simulan sa halagang isang libong piso? Kung may diskarteng hanep, possible iyan! Sa ganitong halaga, puwede nang gumawa ng sariling kendi business. Tulad nalang ng malunggay polvoron at kamias kendi na talaga namang nakakagising sa panlasa! Alamin kung paano simulan ang matamis na negosyong ito dito lang sa Hanep Buhay!