ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Three Sisters" and "Banana Peel"


Episode on July 2, 2011 Saturday 7:00 AM Capital, imagination, skill, and hard work are prime ingredients for any business. But for a full-fledged business to officially take-off, one must secure the proper permits from the local government and corresponding authorities! Unfortunately, many of our small-scale entre-Pinoys are unaware of these processes, just like our ka-partner Aling Elsa Rafales, who owns a small kwek kwek stand in Bicutan called Three Sisters. But no need to worry because Chris Tiu, Love Añover, and the Hanep Team will give a helping hand to Aling Elsa! BIGAYANG BAYAN: Three Sisters Aling Elsa Rafales’ family moved to Bicutan after their home in Marikina was recently demolished. But instead of losing hope, Aling Elsa saw this as an opportunity to start anew. Now Aling Elsa’s Three Sisters stand is tickling the taste buds of her neighbors with kwek kwek, fish balls, kikiam, and refreshments! But being new to the business, Aling Elsa still doesn’t have the proper permits from their barangay. That’s why Chris, Love and the Hanep team are there to help her! By following a few guidelines and some permit know-how, Aling Elsa will finally be given a permit from her barangay! Not only that, she’ll be getting free cooking lessons to spice up her merienda, along with a new gas stove, new ingredients, and her very own food cart! Hanep! HANEP!: Banana Peel It’s no secret that flip-flops are a definite hit here in the Philippines ! With new and colorful styles to choose from, our ordinary slippers have now become a fashion statement! This urban footwear has gone beyond the boundaries of our homes, and is now being used in malls, gimmicks, and in schools! Young couple Paul and Nikki Ng saw the potential of this booming business. They came up with the first ever all-Filipino concept flip-flop store: Banana Peel. From one simple mall-stand in 2004, now it has 23 branches! Interested in getting into the flip-flop business? Or do you want to get your hands on the simple food business of fried merienda? Tune in this Saturday to find out how in Hanep Buhay: ang programang todo-bigay sa inyong pag-asenso!
Bawat negosyo nangangailangan ng mga nararapat na permit mula sa lokal na gobyerno. Pero marami pa rin sa ating mga nagsisismulang entre-Pinoy ang hindi pa bihasa sa ganitong mga proseso, tulad na lang ni Aling Elsa Rafales, may-ari ng Three Sisters kwek kwek stand sa Bicutan. Kaya naman nariyan sina Chris Tiu, Love Añover, at ang Hanep Team para palawigin ang kaalaman ni Aling Elsa at tulungan ang kaniyang negosyong meryendahan! BIGAYANG BAYAN: Three Sisters Bagong lipat sa Bicutan ang pamilya ni Aling Elsa Rafales. Kaka-demolish lang kasi ng kanilang munting tahanan sa Marikina. Pero imbis na ituring itong masamang pangyayari, ginawa itong pagkakataon ni Elsa para makapagsimula ng sariling negosyo sa bagong lugar. Ngayon, ang kanilang maliit na bilihan ng Three Sisters sa Bicutan ang siyang pinagkukunan ng masasarap na samalamig, kwek kwek, fishballs, at kikiam na nagpapabusog sa kanilang komunidad! Pero dahil bagong salta sa business ang ating ka-partner na si Elsa, hindi pa siya maalam sa mga kinakailangan na permit sa pagpapatakbo ng negosyo, lalo na para sa negosyong pagkain! Kaya naman nariyan sina Chris, Love, at ang Hanep Team para tulungan siya! Makakukuha na rin ng nararapat na permits si Elsa galing sa kanilang barangay. At hindi lang iyon, uulanan din ng sorpresa ang maliit na negosyo ni Elsa, may libre siyang training sa pagluluto para lalong mapasarap ang kaniyang mga ibinibenta, mga bagong kawali, kalan, sangkap, at sarili pa na niyang food cart! Hanep! HANEP!: Banana Peel Patok na patok sa Pinas ang negosyong tsinelas o flip-flops! Ang mga makukulay na tsinelas, hindi na lang pambahay kundi pang-gimik, pang-eskuwela, at maaaring fashion statement pa! Nakita ng mag-asawang Paul at Nikki Ng ang potensyal ng negosyong ito kaya sinimulan nila ang kauna-unahang all-Filipino flip-flop concept store sa bansa: ang Banana Peel. Mula sa isang maliit na mall-stand noong 2004, ngayon may 23 branches na ang Banana Peel! May balak ba kayong pasukin ang negosyong tsinelas, o gusto niyo bang malaman kung paano magtayo ng maliit na bilihan ng merienda? Alamin iyan ngayong Sabado sa Hanep Buhay: ang programang todo-bigay sa inyong pag-asenso!