Mga makasaysayang lugar sa Pilipinas, tampok sa 'iJuander'

Samahan ang Kapuso star na si Julian Trono na alamin ang kalagayan ng El Fraile. Ito raw ang kampo na siyang may pinaka matibay na depensa noong World War II. Pero ngayon, tila wala na itong laban sa mga mapagsamantala. Ninakawan na, tinadtad pa ng bandalismo.


“Pambansang photobomber” ang bansag sa gusaling itinayo sa likod ng monumento ni Rizal sa Luneta. Nagpapakita raw ito ng kawalan ng pagpapahalaga sa ating pambansang bayani. Pero mas malala pa ang sinapit ng ilang mga makasayayang lugar sa bayan ni Juan.

May isang heritage park naman sa bayan ni Juan kung saan ang mga ancestral house na mula pa sa iba't-ibang panig ng Pilipinas, ginigiba at muling binubuo rito para mapreserba.

Tutok na sa ikalawang bahagi ng I Juander Bayani Series, ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan: iJuander, may pagpapahalaga pa ba si Juan sa mga makasaysayang lugar?
