ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'I Juander,' naisasabuhay pa ba ni Juan ang kanyang panata sa bayan?

Sa bawat pagsambit ni Juan sa Panatang Makabayan, nanunumpa siya na maging maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bansa. Pero sinasaulo na nga lang ba ito at hindi na isinasapuso?
Nag-viral sa social media ang litrato ng isang bumbero na pilit sinasagip mula sa isang sunog ang watawat ng Pilipinas. Na maski nasa peligro ang sarili niyang buhay, nagawa pa rin niyang maipakita ang pagiging makabayan. Alamin ang kuwento ng volunteer firefighter sa litrato na si Julius.

Sa panahon ngayon, hindi na rin kailangan pang dumanak ng dugo para maipakita ang pagiging makatao, gaya ng ginagawa ni kuya Rey. Ang armas niya sa pagtulong – mga aklat, at ang kanyang bala, ang malikhain niyang pagkuwento. Bilang lider ng “The Storytelling Project”, dumadayo siya sa mga liblib na lugar para magturo ng pagbabasa sa mga bata.
_2017_06_05_17_29_22.jpg)
Ang pagiging maka-kalikasan ni Juan, sinubok naman sa isang social experiment. Isang talent ang kunyaring magtatapon ng basura sa paligid. Mayroon kayang sumita sa kanya, o magkikibit-balikat na lang ang mga makakakita? Dumayo rin sa bayan ng Rizal sa Laguna, kung saan talaga namang kinakarir nila ang pagka-maka-kalikasan. Ang mga boteng plastic, imbis na ibasura, kanilang ginagamit na pundasyon sa paggawa ng istruktura gaya ng kanilang Bottle Center for the Aged.

Bilang selebrasyon sa Araw ng Kalayaan, tumutok sa isang espesyal na pagtatanghal ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan:
“I Juander, naisasabuhay pa ba ni Juan ang kanyang panata sa bayan?
More Videos
Most Popular