‘iJuander’s’ best of 2018, balikan ngayong Miyerkules
Best of I Juander 2018 Part 1
December 19, 2018
Sa pagtatapos ng taon, babalikan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang ilan sa mga episode ng I Juander na pinaka tumatak ngayong 2018.
Muling humanga sa kuwento ng magkakaibigang Jeremy, Teresa at Marilou na sa murang edad, batak na sa pagtatrabaho. Sila ang mga batang mag-aasin ng Sitio Dampalit sa Malolos, Bulacan. Maghapong nakabilad sa arawan ang musmos nilang pangangatawan kapalit ang kakarampot na kita para makatulong sa kani-kanilang mga magulang. Pero sa kabila ng maagang pagbabanat ng buto, kahanga-hangang naipagpapatuloy ng magkakaibigan ang kanilang pag-aaral.

Balikan din ang masasayang travel adventures ng I Juander ngayong 2018, gaya ng pagpunta ng Kapuso hunk na si Addy Raj sa kabubukas pa lang noon na Aqua Planet sa Clark, Pampanga. Sa dalawampu't limang naglalakihang slide dito, ma-conquer nga kaya ni Addy ang kanyang fear of heights? Sa Oriental Mindoro naman, hindi lang daw dapat Puerto Galera ang dinarayo. Kaya ang pinuntahan doon ng I Juander, ang Buyayao Island na napalilibutan ng bughaw na tubig, mala-porselanang buhangin at mayamang kagubatan. Talaga naman pang #TRAVELGOALS.


Sino rin ba ang hindi natakam sa mga food trip nina Susan at Cesar nitong 2018, gaya na lang ng pagdayo nila sa Tayabas, Quezon para sa kanilang Mayohan Festival. Ang pangunahing atraksyon dito, ang makipagbatuhan ng suman! Pumatok din sa taong ito ang negosyo ng pagtatanim ng mushroom o kabute na ngayo'y ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produkto. Bakit nga raw ba magi-guilty sa pagkain ng chicharon kung gawa naman ito sa kabute? Ang cactus naman na isang uri ng succulent, isinasahog na rin pala sa mga lutuin.


Muling balikan ang mga kuwentong ito ngayong Miyerkules, sa I Juander alas-otso ng gabi sa GMA News TV!
English:
As the year ends, Susan Enriquez and Cesar Apolinario will look back at the most memorable stories of I Juander in 2018.
Be inspired by the story of Jeremy, Teresa and Marilou, who in their early age, they are already working making salt in Sitio Dampalit in Malolos, Bulacan. Their frail bodies are exposed under the sun to earn small amount of money to help their parents. But inspite of struggling in their work, they choose to continue their schooling.
We will also look back at the exciting travel adventures of I Juander in 2018, like Addy Raj’s visit in the newly opened Aqua Planet in Clark, Pampanga. Addy will try to conquer his fear of heights as he tries out the twenty five giant slides. Puerto Galera is not the only tourist place in Oriental Mindoro, our team went to Buyayao Island that is surrounded with clear waters and rich forest. This place should in your #Travelgoals.
Susan and Cesar went on a food trip in 2018 in Tayabas, Quezon for their Mayohan Festival. The main attraction is throwing of suman or sticky rice. Another hit story is mushroom business wherein the mushroom is now used in various products. You would not feel guilty if you are eating chicharon that is made from mushroom. And do you know that there is a cactus that can be mixed in the dishes?
Please watch I Juander on Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!