Tuklasin ang natatagong paraiso ng Pilipinas sa 'i Juander'
I Juander, ano-ano ang mga natatagong paraiso sa bayan ni Juan?
Sa mahigit pitong libong isla sa Pilipinas, talaga namang napakaraming mga natatagong paraiso sa bayan ni Juan. Ang mga ito ang pupuwedeng tuklasin ng mga naghahanap ng summer destination.
Madalas na nga ngayong dinadayo ang probinsya ng Batanes. Ang sinadya rito ni Susan Enriquez, ang mga lugar na hindi pa gaanong dinadagsa ng mga turista. Gaya ng Homoron Lagoon. Dito matatagpuan ang kulay asul na corals kaya lalong bumubughaw ang kulay ng tubig. Ang isla ng Sabtang, may pantapat naman daw sa pamosong Marlboro Hills ng isla ng Batan, ang kanilang Chamantud Viewpoint.

_2019_04_23_20_22_54_4.jpg)
Tinatawag na “The Last Frontier” ng Pilipinas ang probinsya ng Palawan. At sa hilagang bahagi nito, matatagpuan ang isang natatagong paraiso na may mayamang kasaysayan, ang Culion. Hindi nga raw dapat palagpasin ang pagpunta sa makapigil hiningang Malcapuya Island at Ditaytayan Beach.


Dahil madalas daanan ng bagyo, marami sa mga isla sa Catanduanes ang nananatiling unexplored gaya ng tinatawag nilang Patag Islet. Isa rin daw sa mga natatagong yaman ng probinsya ang waterfall na nasa tabi mismo ng karagatan, ang Carorian Seaside Falls. Sa Palumbanes naman, matatagpuan ang beach na ginintuan daw ang buhangin.


Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na tuklasin ang mga natatagong paraiso sa bayan ni Juan. Abangan 'yan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.
ENGLISH
The Philippines has more than seven thousand islands, and there are many hidden paradise in Juan’s land. We will share the places that we discovered as people start looking for summer destination.
Batanes is one of the provinces that tourist like to visit. But Susan Enriquez explored the least touristy places in Batanes, like the Homoron Lagoon where blue corals are seen. While, the Island of Sabtang has Chamantud viewpoint that is similar to the Marlboro Hills of Batan.
Palawan is called “The Last Frontier” of the Philippines. In the Northern part of the province, lies a hidden paradise with rich culture called Culion. Juan should not miss the breathtaking Malcapuya Island and Ditaytayan Beach.
Because typhoon usually hit the place, the Island of Catanduanes remains unexplored, like Patag Islet. Another hidden gem of the province is a waterfall that is beside the ocean, the Carorian Seaside Falls. In Palumbanes, the sand in their beach appears to be gold.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they discover the hidden paradise in Juan’s land. Watch I Juander, this Wednesday, eight o’clock in the evening, on GMA News TV!