Flavors of Western Visayas, ibibida sa 'i Juander'
I Juander, ano ang natatangi sa mga pagkain sa Western Visayas?
Hindi lang daw magagandang pasyalan at mayamang kasaysayan ang dapat na dinadayo sa Western Visayas. Sa pagpunta rito nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataong matikman ang mga pagkaing natatangi sa rehiyong ito.
Saan pa nga ba sikat ang lungsod ng Bacolod sa Negros Occidental kundi sa kanilang chicken inasal. Katunayan, sa kahabaan ng Ferrero Street, nakahilera ang mahigit dalawampung karinderya na pare-parehong nagbebenta ng chicken inasal. Pagdating naman sa pampasalubong, ang pinaka mabenta raw sa Bacolod ang kanilang piaya. Ang BongBong's Piaya na siyang pinaka sikat na nagbebenta nito sa Bacolod, umaabot daw sa apat na daang libong piraso ang naibebenta kada araw.
_2019_05_15_13_37_06_0.jpg)

Itinuturing ang probinsya ng Guimaras bilang Mango Capital ng Pilipinas. Katunayan, sa kanila lang din daw makakatikim ng mango catsup! Samantalang sa probinsya ng Iloilo, may mga natatanging pagkain na ipinangalan pa sa kung saang bayan ito nagmula gaya ng Pansit Molo at La Paz Batchoy.


Mag-food trip sa Western Visayas kasama nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso ng gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano ang natatangi sa mga pagkain sa Western Visayas?
ENGLISH
Bacolod is famous for their chicken inasal. In the street of Fererro, there is a stretch of more than twenty food stalls that sells chicken inasal. And when it comes to souvenirs, the most popular in Bacolod is piaya. Bongbong’s piaya sells up to four hundred thousand pieces of piaya per day.
Guimaras is known as Mango Capital of the Philippines. And it is only in Guimaras that Juan can try a mango catsup. While, in the province of Iloilo, there are popular at a-must-try dishes that are named after their place of origin, like Molo noodles and La Paz Batchoy.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they go on a food trip in Western Visayas. Please watch I Juander on Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV, as we answer the question:
I Juander, what are the unique and original dishes in Western Visayas?