ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
i Juander

Mga pagkaing Pinoy na may impluwensyang Malay, alamin sa 'i Juander'


MALAYSIA SPECIAL
I Juander, paano nagkakahawig ang pagkaing Malay at Pinoy?

Para lubos na makilala ang bansang Malaysia, hindi lang naglibot si Cesar Apolinario kundi hindi rin niya pinalagpas na matikman ang mga pagkaing parte ng kulturang Malay.

Ilan sa mga putaheng dinayo pa ni Cesar sa Malaysia ang laksa na siyang bersyon nila ng sinabawang noodles; nasi lemak na maihahambing naman sa sinangag ng mga Pinoy at nasi goreng na parang pansit naman ng mga Tsino. Sa night market naman ng Jalan Alor sa lungsod ng Kuala Lumpur, matitikman ang samu't saring mga streetfood. Pero imbis na iniihaw gaya sa bayan ni Juan, ang sa kanila, inilalaga mismo ng mga bumibili gaya ng jelly fish, octopus at scallops.



Kilalanin din ang half-Pinoy, half-Malay na si Arshad Zamir na siyang kauna-unahang nanalo sa Masterchef Malaysia All-Stars Competition taong 2014. Ang mga putahe na nakahuli sa panlasa ng mga hurado ang bersyon niya ng adobo at ang panghimagas niya na may tatak Pinoy din.



Para hindi ma-homesick ang mga Pilipinong nasa Malaysia, may isang Pinoy restaurant doon na kanilang binabalik-balikan. Pero maski pala sa panlasa ng mga lokal patok din ang ilan sa mga paboritong pagkain ni Juan. Gaya ng stuffed sotong o squid, pinakbet with melaka sauce na siyang bersyon nila ng bagoong at ang panghimagas na paborito rin daw ng mga Malay, ang halo-halo.



Mabusog sa mga authentic na pagkaing Malay at mabusog din sa kaalaman ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, paano nagkakahawig ang pagkaing Malay at Pinoy?

ENGLISH

In order to have a better understanding of the culture of Malaysia, Cesar Apolinario not only roamed the country, he also did not miss the chance to try out various Malaysian foods.

Some of the Malaysian dishes are laksa; their version of noodles with soup, nasi lemak that is compared to Filipino’s fried fried and nasi goring that is similar to the noodles of the Chinese. In the night market of Jalan Alor in Kuala Lumpur, various street foods are being sold. But instead of grilled,  the buyer themselves boil the food such as jelly fish, octopus and scallops.

Get to know the half-pinoy, half-Malay Arshad Zamir. He is the first winner of Master chef Malaysia All-Stars Competition in 2014. The dishes that caught the taste of the judges are his version of adobo and a rice cake-like dessert that are Filipino- influenced dishes.

There is a Filipino restaurant that Filipinos in Malaysia can go to for authentic Filipino foods. And even some locals like the Filipino dishes here like stuffed sotong or squid, pinakbet with Melaka sauce, their version of anchovy and the dessert that Malays love, the halo-halo.        

Try out the authentic Malay food and be filled with information this Wednesday on I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV! As we answer the question:

I Juander, what are similarities of Malay and Filipinos when it comes to food?