ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang bagay na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ni Juan, alamin!


I Juander, ano-ano ang mga bagay na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ni Juan?

Ang kasaysayan ni Juan, hindi lang daw sa mga museo matutuklasan. Dahil ang mga bagay-bagay na tila parte na ng pang-araw-araw nilang pamumuhay, maaari rin daw magkuwento ng kanilang nakaraan.



Isa sa mabebentang souvenir mula sa Baguio ay ang iniukit na imahe ng isang lalaki na nasa loob ng bariles. At kapag iniangat ang bariles, isang surpresa ang bubuyangyang. Ang nakasanayang tawag dito, “barrel man.” Maging sa buong siyudad, nagkalat din ang malalaking iskultura nito. Pero I Juander, ano nga ba ang totoong kuwento sa likod ng kontrobersyal na “barrel man” ng Baguio?



Hindi maikakaila na ang mga Pilipino, sadyang relihiyoso. Bukod nga sa mga krus at poon, kadalasang hindi rin nawawala sa tahanan ni Juan ang imahe ng “Last Supper” o Huling Hapunan. Kailan pa kaya nakasanayan ni Juan ang paglalagay nito sa kanilang hapag kainan?



Saan din ba natutunan ni Juan ang paggamit ng banig at kulambo? Pati na ang paggamit ng bao ng niyog sa pagbubunot? Mayroon pa kayang gumagamit ng mga ito sa modernong panahon? Ito ang inalam ni Susan Enriquez sa pamamagitan ng “Bring Me Challenge” na isinagawa niya sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.



Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga bagay na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ni Juan?

ENGLISH VERSION

Juan’s history is not only seen in museums, because some things that used to be part of our daily lives might just be a memory from the past.

One of the most sold souvenirs from Baguio is the barrel man. But do you know the story behind the barrel man of Baguio?

Juans are religious people. Aside from cross and images displayed in the houses, the image of the Last supper from the story in the bible used to be a staple in each houses. Find out how and when did this culture started.

Where did Juan learn the use of woven mat and mosquito net? And are people still using coconut husk for the floor? Susan Enriquez initiated a “Bring Me Challenge” in a barangay to know if they still use these things.

Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario, this Wednesday in I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV, as they answer the question:

I Juander, what are the things that reflects the history and culture of Juan?