ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Fishergays" ng Navotas, kikilalanin sa 'i Juander'


I JUANDER
SEPTEMBER 4, 2019
FISHERGAYS

Muli na namang uminit ang usapin tungkol sa pantay na karapatang isinusulong ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Pero para sa magkakaibigang taga-Navotas na nakilala nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, na pawang mga bading, ang mas mahalaga raw na kailangan nilang pagtuunan ng pansin, ang kung paano malalamnan sa araw-araw ang kumakalam nilang sikmura.



Madalas man masabihan na malambot ang kilos, walang takot na sumasabak sa pangingisda ang magkakaibigan. Sakay ng bangka na kung tawagi'y “pangulong”, tumutulong sila sa paglalarga ng malalaking lambat. Hindi alintana ang init ng panahon, ang malakas na alon at hirap ng trabaho sa laot.



Isa sa kanila si Michael, na sa kabila ng pagiging bading, malapit nang magkaanak sa kanyang kasintahang si Lorelyn. At kapag walang labas ang sinasampahang pangulong, suma-sideline si Michael sa pagtuturo ng sayaw sa mga estudyante, matustusan lang ang pangangailangan ng kanyang magiging mag-ina.



Humanga sa kanilang kuwento ng katatagan. Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.



English Synopsis:

I Juander will follow the stories of nine fisher folks in Navotas who are all gays.

Fishing is a refuge to them because it does not discriminate. They earn a living out of it and they can work regardless of their sexual preference. Everyone on the boat are treated equally as long as they work hard.