ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga patok na food combination sa bayan ni Juan, alamin sa 'i Juander'


PINOY FOOD COMBOS
September 18, 2019

I Juander, ano-ano ang mga patok na food combo sa bayan ni Juan?


Ngayong Miyerkules, titkkman natin ang mga mas masarap lantakan kapag may kapares.



                      
Kung pagkain at lutuin lang ang pag-uusapan, tiyak na hindi magpapa-iwan ang Culinary Capital of the Philippines, ang Pampanga. Hindi nagtatapos sa pambato nilang buro ang masarap na kainan, ibinabalot pa ito sa dahon ng mustasa with matching inihaw na hito. Mala-samgyupsal!

Sa lungsod ng Pasig, may isang ulam na hindi sa kanin ipinapares, kundi sa kakanin! Ang laksa na kahawig ng pinakbet pero kalasa ng kare-kare, ipina-partner nila sa kanilang malambot na puto. Pero dahil matrabahong iluto, sa iilang kainan na lang sa Pasig matitikman ang kakaibang kombinasyon ng laksa at puto.




ALTANGHAP o almusal, tanghalian o hapunan man --- mabenta kay Juan ang mga silog meals gaya ng tapsilog, longsilog at tocilog. Pero I Juander, saan at paano nga ba nauso ang mga ito? At pumatok din kaya sa panlasa ng mga dayuhan ang ilan sa mga Pinoy food combination gaya ng champorado at tuyo, pati na ang kare-kare with matching bagoong?

Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa isang nakagugutom na usapan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga patok na food combo sa bayan ni Juan?

English

Filipinos are known to be certified food lovers but we don’t simply eat what’s on the table, creativity flows when it comes to food. We’re able to create and enjoy delicious food pairs that surely complement one another. I Juander’s “Pinoy Food Combo” episode will feature these unique and known food pairs in the country and its reflection to our rich culture.